Partido Komunista ng Unyong Sobyetiko
Ang Partido Komunista ng Unyong Sobyetiko, dinadaglat na PKUS (Ruso: КПСС, tr. KPSS), ay isang malayong-kaliwang organisasyon na naglingkod bilang partidong tagapagtatag at tagapamahala ng Unyong Sobyetiko.
Partido Komunista ng Unyong Sobyetiko Коммунистическая партия Советского Союза (Ruso) | |
---|---|
Nagtatag | Vladimir Lenin |
Leaders | Collective leadership |
Islogan | Пролетарии всех стран, соединяйтесь! "Mga proletaryo ng lahat ng bansa, magkaisa!" |
Itinatag | 8 Marso 1918 |
Humalili sa | POSDR(b) |
Sinundan ng | UPK–PKUS |
Punong-tanggapan | 4 Staraya Square, Moscow |
Pahayagan | Pravda |
Pangakabataang Bagwis | Mumunting Oktobrista Komsomol |
Pioneer wing | Young Pioneers |
Bilang ng kasapi | 19,487,822 (1989) |
Palakuruan | Komunismo Marxismo–Leninismo |
Posisyong pampolitika | Far-left |
Kasapaing pandaigdig | Second International (1912–14) Komintern Komimporm (1947–56) |
Political alliance | Bloc of Communists and Non-Partisans (1936–91) |
Opisyal na kulay | Red |
Logo | |
Sumibol ang partido sa pamumuno ni Vladimir Lenin ng paksyong Bolshebista nang nagkaroon ng paghihiwalay sa Partido Obrero Sosyal-Demokratiko ng Rusya. Gumanap ito ng nangungunang papel sa Himagsikang Oktubre ng 1917 na nagpabagsak sa Pamahalaang Probisyonal at nagtatag ng Sobyetikong Republika ng Rusya, ang kauna-unahang konstitusyonal na estadong sosyalista. Sa pagwagi ng Hukbong Pula sa digmaang sibil ng bansa ay binuo ang Unyong Sobyetiko at hinirangan ito ng sentral na tungkulin sa Saligang Batas ng USSR. Itinaguyod nito ang Ikatlong Internasyonal upang tumulong sa pagpapalaganap ng komunismo sa mundo.
Panandaliang pinahintulutan ni Lenin ang pagpapatuloy ng kapitalismo sa Bagong Polisiyang Pang-ekonomiya sa ilalim ng dikta ng partido upang mabuo ang mga kinakailangang kondisyon para sa paglilipat tungong sosyalismo. Gayunpaman, tinigil ito ni Iosif Stalin at inilunsad ang pampamahalaang sosyalismo, kung saan ipinatupad ang isang ekonomiyang planado at ganap na naisentralisa ang kapangyarihan sa Partido Komunista. Matapos humilom mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa pagpanaw ni Stalin noong 1953, sinimulan ang pagrereporma ng partido sa ilalim ni Nikita Khruschev. Kabilang na rito ang pagdesentralisa ng ekonomiya at pagliberalisa ng lipunang Sobyetiko. Lumago ang korapsyon sa partido noong panahon ni Leonid Brehznev, at nagdulot ng ekonomikong stagnasyon sa bansa. Kasunod ng di-naasahang pagkamatay ng mga matatandang kahalili ni Brezhnev na sina Yuri Andropov at Konstantin Chernenko, umangat ang mas batang si Mikhail Gorbachev sa pamumuno ng partido at sinumulan ang gradwal na pagtransisyon ng USSR sa isang ekonomiyang pamilihan sa ilalim ng programang perestroika, o muling pagtatayo sa Ruso. Bagama't nagkaroon ng kaunting pag-unland, hinudyat nito ang tuluyang paghina ng pampolitikang kapangyarihan ng PKUS at nagresulta sa pagbabawal ng partido ni Boris Yeltsin. Di-nagtagal ay nabuwag din ang Unyong Sobyetiko.
Bilang isang partidong komunista, sumunod ang PKUS sa ideolohiyang Marxismo–Leninismo, hango sa mga teorya at aral nina Karl Marx at Lenin. Dumanas din ito ng pansamantalang panahon sa Stalinismo na minarkahan ng sosyalismo sa isang bansa at totalitaryong kulto ng personalidad ni Stalin. Sa larangang politika, inayos ang partido batay sa prinsipyo ng demokratikong sentralismo, kung saan nakasangkot lahat ng kasapi sa demokratiko at bukas na pagtalakay ng mga isyung pampartido, at sinusundan ng pangangailangan ng kabuuang pagkakaisa sa pagtataguyod ng mga napagkasunduang patakaran. Itinagurian ng partido ang sarili nito bilang taliba na kakatawan sa uring manggagawa, at sa gayo'y binigyang-katwiran ang unipartidistang sistema ng bansa. Sa mga usaping ekonomiko, nilayon nito na marating ang komunismo sa pamamagitan ng awtoritaryong sosyalismo.
Kasaysayan
baguhinEtimolohiya
baguhin- 16 Agosto 1917 – 8 Marso 1918: Partido Obrero Sosyal-Demokratiko ng Rusya (Bolshebista) (Ruso: Российская социал-демократическая рабочая партия (большевиков); РСДРП(б), romanisado: Rossiyskaya sotsial-demokraticheskaya rabochaya partiya (bol'shevikov); RSDRP(b))
- 8 Marso 1918 – 31 Disyembre 1925: Partido Komunista Ruso (Bolshebista) (Ruso: Российская коммунистическая партия (большевиков); РКП(б), romanisado: Rossiyskaya kommunisticheskaya partiya (bol'shevikov); RKP(b))
- 31 Disyembre 1925 – 14 Oktubre 1952: Buong Unyong Partido Komunista (Bolshebista) (Ruso: Всесоюзная коммунистическая партия (большевиков); ВКП(б), romanisado: Vsesoyuznaya kommunisticheskaya partiya (bol'shevikov); VKP(b))
- 14 Oktubre 1952 – 6 Nobyembre 1991: Partido Komunista ng Unyong Sobyetiko (Ruso: Коммунистическая партия Советского Союза; КПСС, romanisado: Kommunisticheskaya partiya Sovetskogo Soyuza; KPSS)
Pinagmulan at Himagsikang Ruso
baguhinNagmula ang PKUS sa politikal na paghihiwalay sa loob ng Partido Obrero Sosyal-Demokratiko ng Rusya. Nagkaroon ng hidwaan sa Partido noong Ika-2 Kumperensya nito noong Agosto 1903, at nahati sa dalawang paksyon. Ang mga tagasunod ni Yuli Martov ay binansagang Menshebista, o minorya sa wikang Ruso. Sa kaibhan, tinawag ang grupo ni Vladimir Lenin na Bolshebista, o mayorya. Nagpatawag ang mga Bolshebista ng Ika-6 na Buong Rusong Kumperensyang Pampartido sa Praga, sa kawalan ng kanilang mga kalabang Menshebista. Mahigit dalawampung organisasyon ng Partido ang kinatawan; para sa mga Bolshebista, naging kasing-halaga ito ng regular na kongreso ng Partido.