Halaw na katas ng karneng baka

(Idinirekta mula sa Payak na katas ng karneng baka)

Ang hinangong katas ng karneng baka o hinalaw na katas ng karne ng baka (Ingles: beef extract) ay ang katas na hinango mula sa karne ng bakang walang taba. Ginagamit itong pandagdag sa diyeta ng mga nagpapagaling o imbalidong mga pasyente. Naglalaman ito ng kaunting bilang ng materya ng pagkain na may natatanging uri ng kimikal na hinango mula sa mga lamuymoy ng masel sa pamamagitan ng pagpapainit na may presyon at may kaunting tubig.[1] Kaiba ito sa karinyusa ng karneng baka (tinatawag na beef juice) dahil sa kakauntian ng antas ng halaga bilang pagkain at pinagmulan. Binubuo ang karinyusa ng karne ng baka ng mga katas na nagmula sa mismong pinakalaman ng karneng baka. Samantalang mga hango o halaw (mga ekstraktibo) lamang ang nasa payak na katas ng karneng baka. Magkaiba rin ang paraan ng paghahanda ng mga ito.[1]

Layunin ng paggamit

baguhin

Sa panggagamot

baguhin

Dahil sa kakayanan nitong makapagpasigla ng paglabas at pagdaloy ng mga likidong katas mula sa tiyan, nakatutulong ito sa panunaw o dihestiyon sa loob ng sistemang panunaw ng pasyente. Nagsisilbi rin itong pampagana sa pagkain ng tao. Isang halimbawa ng paggamit nito ang pagdaragdag ng katas ng baka sa puti ng itlog na ipapakain sa pasyente, upang maging katanggap-tanggap ang panlasa.[1]

Hindi ipinapakain ang katas ng karne ng baka sa mga pasyenteng may gawt o piyo, may sakit sa bato, at may kumapal na mga arteryo.[1]

Sa pagluluto

baguhin

Ginagamit ding pampalasa ang katas ng karne ng baka sa pagluluto.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Robinson, Victor, pat. (1939). "Beef extract, at pagkakaiba mula sa beef juice". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 89.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.