Si Peggy Fears ay isinilang noong Hunyo 1, 1903 at namatay noong Agosto 24, 1994. Sya ay isang Amerikanang artista, na lumabas sa Broadway musical comedies noong 1920s at 1930s bago naging prodyuser ng Broadway.

Teatro

baguhin

Umalis sya sa New Orleans sa edad na 16 at nag-aral sa Semple School. Dinala siya ng estudyante ng Yale University na si Jock Whitney sa Richman Club kung saan narinig ng bokalistang si Helen Morgan ang kanyang pagkanta at hinikayat siyang dumalo sa mga audition na isinasagawa ni Florenz Ziegfeld.[kailangan ng sanggunian]</link>[ <span title="This claim needs references to reliable sources. (July 2023)">kailangan ng pagsipi</span> ]

Simula sa Have a Heart noong 1917. Si Fears ay gumanap sa sampung produksyon ng Broadway, kabilang ang Ziegfeld Follies ng 1925. Sa No Foolin ni Ziegfeld noong 1926, lumabas siya kasama si Edna Leedom at ang Yacht Club Boys, saka ang isang linya ng koro kasama sina Paulette Goddard, Susan Fleming, Clare Luce at Baby Vogt. Noong 1932, kasama ang Child of Manhattan na isinulat ni Preston Sturges, naging prodyuser ng Broadway si Fears. Ang kanyang tanging paglabas sa motion picture ay ang role na Gaby Aimee sa The Lottery Lover noong 1935.

Noong 1971, si Louise Brooks, isang dating manliligaw ni Fears sa pamamagitan ng kanyang sariling account, ay sumulat para sa Sight &amp; Sound tungkol sa pagkikita ni Peggy Fears at WC Fields noong 1925:

Nawala ang eksklusibong kapaligiran ng silid-bihisan sa ikalimang palapag ng gusali nang si Peggy Fears, ng Louie the 14th to the Follies, ay nagpasya na maging matalik kong kaibigan. Siya ay isang mahal na babae, na may matamis na boses sa pagkanta, mula sa Dallas, Texas. Ang kanyang makinis na kulay na chestnut na buhok ay hindi ginalaw ng mga tina at permanenteng alon. Imbes na mamahaling gown ng isang Follies girl, Sya ay nakasuot ng unipormeng pang eskwelahan, sweater at palda. Marahil itong kanyang kakaibang dating ng kasiyahan ang naakit sa kanya sa akin. At ano ang mas masaya kaysa makasama si Peggy, ang pinakasikat na babae sa palabas, na maging kaibigan ang pinakakasuklam-suklam na miyembro nito--ako? Isang gabi, bigla syang pumasok sa aming dressing room ng walang pahintulot na may dalang Wedgwood na takuri na puno ng corn whisky at, alam ang aking mga pagpapanggap, dalawang kasuklam-suklam na bulgar na magasin, Broadway Brevities at ang Police Gazette. Makalipas ang isang linggo, magkasama na kaming nakatira sa Gladstone Hotel sa labas ng Park Avenue, kung saan dumadagsa ang mga kaibigan ni Peggy hanggang Setyembre nang maglibot siya kasama ang Follies at ako ay pumunta sa The American Venus sa Long Island studio ng Paramount.