Peixinhos da horta

Peixinhos da horta (Bigkas sa wikang Portuges: [pɐjˈʃĩɲuʒ] o [pejʃĩɲuʒ ðɐ ɔɾtɐ]) ay isang tradisyunal na putahe sa lutuing Portuges. Literal na isinalin ang pangalan ng putahe na "Mga maliliit na isda mula sa hardin", dahil kahawig ito ng maliliit na piraso ng makulay na isda.[1] Ipinakilala ito sa Hapon sa pamamagitan ng mga Heswitang misyonero sa panlabing-anim na daantaon, kung saan sa huli ito ay naging tempura.[2][3]

Isang plato ng Peixinhos da horta

Paghahanda

baguhin

Kadalasang inihahanda ang Peixinhos da horta na may mga sitaw sa isang galapong gawa sa harina na piniprito.[4] Ginagamit din ang iba pang mga gulay tulad ng siling-pula at kalabasa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Peixinhos da Horta
  2. Charles Lemos. Everybody's San Francisco Cookbook. Nakuha noong 22 Marso 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Morieda, Takashi. "Tracking Down Tempura". The World of Kikkoman. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-10. Nakuha noong 2007-12-13. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. S. Cunningham Dryburgh (translator) (2002). La Cucina Portoghese. Ediz. Inglese. Casa Editrice Bonechi. p. 17. ISBN 9788847609211. Nakuha noong 22 Marso 2016. {{cite book}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)