Ang siling-pula[1], kampana o lara[2] ay isang grupong kultibar ng espesyeng Capsicum annuum. Kilala itong bell pepper sa Ingles, sa United Kingdom at Ireland tinatawag itong sweet pepper o basta pepper, sa India, Australia at New Zealand capsicum naman ang tawag dito. Ang kultibar na ito ay namumunga ng hugis kampanang prutas na iba-iba ang kulay, may pula, dilaw, kahel, berde, tsokolate/kayumanggi, puti/banilya at lila. Ang siling-pula ay isinasama sa grupo ng hindi masyadong maanghang na mga uri ng sili bilang "matamis na sili". Ang siling ito ay likas sa Mexico, Gitnang Amerika at hilagang bahagi ng Timog Amerika. Ang mga buto nito ay dinala sa Espanya noong 1493 at mula roon ay kumalat na sa ibang mga bansa sa Europa, Aprika at Asya. Sa ngayon, ang Tsina ang may pinakamaraming naaaning siling-pula, sinundan ng Mexico at Indonesia.[3]

Pula, dilaw at berdeng siling-pula. Sa ilang mga bansa ang tatlong magkakaibang siling ito ay itinitindang nakabalot na magkakasama at kilala bilang "traffic light peppers".

Ang pinakaangkop na kalagayan para sa siling-pula ay ang pagtatanim nito sa lupang may katamtamang init, tamang-tama ang temperaturang 21-29 °C (70-84 °F), na pinanatiling basa ngunit hindi masyadong babad sa tubig. Sensitibo ang siling-pula at madaling naaapektuhan ang paglaki nito kapag masyadong babad sa tubig ang lupa at labis ang temperatura.

Mga larawan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "siling-pula, bell pepper, pimento, pimyento, siling pukinggan". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PCARRD-DOST Portal - Description". DOST PCAARRD. Nakuha noong 12 Pebrero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. "Growing Peppers: The Important Facts". GardenersGardening.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Enero 2013. Nakuha noong 10 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)