Si Pelias (Sinaunang wikang Griyego: Πελίας) ay isang hari ng Iolcus sa mitolohiyang Griyego, na anak na lalaki nina Tyro at Poseidon. Ang kaniyang asawa ay naitala bilang maaaring si Anaxibia, anak na babae ni Bias, o Phylomache, anak na babae ni Amphion. Siya ang ama nina Acastus, Pisidice, Alcestis, Pelopia, Hippothoe, Amphinome, Evadne, Asteropeia, at Antinoe.[1]

Isang tagpuan sa mitolohiyang Griyego kung kailan inaabot ni Jason (nasa kaliwa) ang ginintuang balahibo ng tupa kay Haring Pelias (nasa kanan), habang ang may pakpak na Tagumpay (nasa itaas, nakalutang) ay naghahandang koronahan si Jason ng isang gantimpalang korona.

Mga sanggunian

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.