Pelikulang katatakutan

(Idinirekta mula sa Pelikula ng katatakutan)

Ang pelikulang katatakutan o palabas na katatakutan ay isang uri ng pelikula na naglalayon na takutin ang manonood. [1] Unang nakuha ang inspirasyon sa mga panitikan ng mga may-akda tulad nina Edgar Allan Poe, Bram Stroker at Mary Shelley,[2] mayroon na ang katatakutan bilang kategorya sa pelikula sa loob ng higit sa isang siglo. Madalas na tema nito ang mapanglaw at sobrenatural o supernatural. Maari din na sumanib ang kategoryang katatakutan sa mga kauriang pantasya, piksyong sobrenatural, at thriller.

Madalas nilalayon ng mga pelikulang katatakutan na pukawin ang manonood sa kanilang bangungot, takot, pagkasuya, at kilabot sa mga di alam. Kabilang sa mga namamayaning elemento ang multo,[3] bampira,[3] maligno, mga demonyo, sumpa, sumpa, mga temang may kaugnayan sa kamatayan, ang Diyablo, serial mamamatay-tao, mga masasamang payaso, mga taong lobo, tiyanak, duwende, babaeng nakaputi, kapre o mga masamang espiritu, kung kaya't nakapagdurulot ng takot ang pelikula habang pinapanood.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "What is a horror film? | Screenwriter". www.irishtimes.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-17. Nakuha noong 2018-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "12 Horror Films that were Actually Adapted from Novels | Nightmare on Film Street - Horror Movie Podcast, News and Reviews". nofspodcast.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-18. Nakuha noong 2018-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Steve Bennett. "Definition Horror Fiction Genre" (sa wikang Ingles). Find me an author. Nakuha noong 24 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.