Pelikulang aksiyon

(Idinirekta mula sa Pelikulang aksyon)

Ang Aksiyon ay isang genre ng pelikula kung saan ang isa o higit pang mga bida ay sumasailalim sa isang serye ng mga hamon na nangangailangan ng pisikal na katangian, matagalang labanan at nakatatarantang mga habulan. Sa isang pelikulang aksiyon, ang kuwento at paglikha ng tauhan, sa pangkalahatan, ay pumapangalawa lamang sa mga eksena ng pagsabog, suntukan, barilan at habulan ng sasakyan. Habang ang aksiyon ay matagal nang isang elemento ng pelikula, ang pelikulang aksiyon bilang isang genre ay nabuo lamang noong 1970s. Ang genreng ito ay maiuugnay sa mga genre na thriller at pakikipagsapalaran, at ito ay maaaring minsan ay may mga elemento ng spy fiction at espiyonahe.

Habang ang mga pelikulang aksiyon ay isang maaasahang pinagmulan ng kita para sa mga kompanya ng pelikula, iilan lamang sa mga ito ang nagkakamit ng kritikal na papuri. Kung tutuusin, ang mga pelikulang aksiyon ay para sa mga lalaking kabataan hanggang edad trenta, subalit mula 1990s hanggang 2000s ay maraming filmmaker ang nagdagdag ng mga bidang babae bilang tugon sa pagpapalawak ng mga konseptong panlipunan tulad ng kasarian, na nagbibigay ng atensiyon sa malakas na babaeng archetype.

Kasaysayan

baguhin

Hollywood

baguhin

Noong 1920s at 1930s, ang mga pelikulang aksiyon ay madalas na "swashbuckling", kung saan nakikipagsapalaran ang aktor na si Douglas Fairbanks sa mga period films o di kaya'y mga western movies. Noong 1940s at 1950s, nauso ang mga pelikulang tungkol sa mga digmaan at pakikipagsapalaran ng mga koboy. Sa kabilang dako, ang mga pelikulang tungkol sa mga espiya, na nauso rin noong mga panahong iyon, ay kinabidahan ni Alfred Hitchcock.

Ang patuloy na popularidad ng seryeng James Bond (na sumikat noong 1960s) ay nagpakilala sa karamihan sa mga pangunahing sangkap ng modernong Aksiyon. Ang isang Bond Movie ay mailalarawan sa pamamagitan ng isang karakter na "larger-than-life", tulad ng bidang ubod ng pagiging maparaan: ang isang one-man army na kayang patayin ang mga tampalasan ulo ng mga sindikato (at ang kanilang mga henchmen) sa malikhaing paraan , ay madalas na sinusundan ng isang inihandang one-liner. Ang Bond Movie rin ay gumamit ng car chases, suntukan, iba't-ibang mga armas at mga gadget, at mas masalimuot na action sequences.

Noong 1970s, Nagkaroon ng kumpetisyon ang Bond movies sa mga crime dramas. Nagkaroon ng mga pelikula kung saan ang mga bida ay lagalag na pulis, tulad ng Bullitt (1968), The French Connection (1971) at Dirty Harry (1971); ang lahat ay nagtampok ng isang matinding habulan ng kotse na hinango sa mga Bond Movies. Ang Dirty Harry ay nagpatunay na glamoroso at maaksiyon rin ang mga pelikulang nasa modernong panahon, at para sa aktor na si Clint Eastwood, ito ang nag-alis sa kanya mula sa typecasting bilang koboy. Ito rin ang naging una sa mga urban action film na tunay na orihinal. Nauso rin noong 1970s ang mga pelikulang asyano tulad ng pelikula ni Bruce Lee na pinamagatang "Enter the Dragon" (1973). Sumikat rin ng mga panahong iyon si Chuck Norris, na pinaghalo ang kung fu at pelikulang pulis, sa "Good Guys wear black" (1977) at "A Force of One" (1979).

Ang 1980s ay literal na binansagan bilang "panahon ng aksiyon" na pinasikat ng mga aktor tulad ni Sylvester Stallone, Arnold Schwarzenegger, Bruce Willis at Chuck Norris. Noong 1982, ang beteranong aktor na si Nick Nolte at komedyanteng si Eddie Murphy, sa aksiyon-komedyang 48 hours, ay pumatok sa takilya at nagpasikat sa mga "buddy-police" na pelikula. Ang mga pelikulang tulad ng 48 oras at Lethal Weapon (1987), ay nagpatunay na kahit mababa ang badyet, kung binigyan ng "Hollywood A-list" na pagtrato (mas malaking badyet, mas mahuhusay na cast, atbp) ay maaaring maging isang patok sa takilya.

Ang 1990s ay isang panahon ng sequels at hybrid na aksiyon. Humantong sa isang pagtaas ng pagnanais sa bahagi ng maraming mga filmmakers upang lumikha ng mga bagong teknolohiya na ay magpapahintulot sa kanila na matalo ang kumpetisyon. Ginamit sa maraming pagkakataon ang CGI (Computer-Generated Imagery). Ang tagumpay ni Tim Burton sa kanyang pelikulang "Batman" (1989) na humantong sa isang serye ng mga matagumpay na sequels ay nagbigay-daan sa isa pang sub-genre ng aksiyon, ang pelikulang hango sa komiks. Nagbigay-daan naman ito sa mga pelikulang action-fantasy na may malaking badyet tulad ng Lord of the Rings, "pirates of the Caribbean", at "spider-Man", na pawang lehitimong matatawag na pelikulang aksiyon.

Kasalukuyang direksiyon

baguhin

Kasalukuyang nauuso sa mga Pelikulang aksiyon ang isang pag-unlad patungo sa mas masalimuot na eksena ng mga labanan sa mga pelikulang kanluranin. Ang direksiyong ito ay naimpluwensiyahan ng napakalaking tagumpay ng Hong Kong cinema, parehong sa Asya at sa kanluran. Ang mga elemento ng sining pandigma tulad ng kung-fu ay maaari na ngayong ay matagpuan sa maraming mga di-Asyanong pelikulang aksiyon. Maraming mga nagsasabing ang Rush hour ni Jackie Chan ay ang unang sineng talagang nakakuha ng atensiyon ng mga Amerikano upang tangkilikin ang mga sining pandigma comedy kung saan lumilitaw ngayon sa maraming pelikula.

Mga katangi-tanging personalidad

baguhin

Ang mga aktor mula sa 1950s at 1960s tulad nina John Wayne, Steve McQueen at Lee Marvin ay ipinasa ang tanglaw noong 1970s sa bagong mga aktor tulad nina Bruce Lee, Tom Laughlin, Charles Bronson, Chuck Norris, at Clint Eastwood. Noong 1980s, sina Mel Gibson at Danny Glover ay nagkaroon ng isang tanyag na serye ng mga "buddy-police" na pelikulang pinamagatang Lethal Weapon. Simula sa kalagitnaan ng 1980s, ang mga aktor tulad ng dating bodybuilder na si Arnold Schwarzenegger at Sylvester Stallone ay bumida sa mga pelikulang aksiyon. Sumikat din ang martial artist na si Steven Seagal sa maraming pelikula. Si Bruce Willis ay gumanap bilang isang Western-inspired na bida sa popular na seryeng Die Hard. Noong 1990s at 2000s, ang mga Asyanong aktor na sina Chow Yun-fat, Jet Li, at Jackie Chan ay lumitaw sa iba't ibang uri ng pelikulang aksiyon. Ilang babaeng aktres ay nagkaroon din ng mga pangunahing papel sa mga pelikulang aksiyon, tulad nina Michelle Yeoh, Lucy Liu at dating modelong si Milla Jovovich. Sina Keanu Reeves at Harrison Ford ay parehong nagkaroon ng papel sa mga pelikulang action science fiction (The Matrix at Blade Runner), ngunit si Ford ay gumanap rin sa ibang genre ng aksiyon tulad ng action-adventure na pelikula.

Isa sa mga katangi-tanging direktor mula sa 1960s hanggang 1970s ay si Sam Peckinpah. Noong 1980s hanggang 2000s, sumikat ang mga direktor na sina James Cameron (direktor ng unang dalawang Terminator na pelikula); John Woo (Hard Boiled, Hard Target at Mission: Impossible II); John McTiernan (Die Hard, Predator); Ridley Scott (Black Hawk Down); ang Wachowski Brothers (The Matrix trilogy) at Michael Bay (Bad Boys 2, Transformers).

Mga uri ng aksiyon

baguhin

Aksiyon-Drama

baguhin

Aksiyon-Pantasya

baguhin

Aksiyon-Komedya

baguhin

Katatakutang Aksiyon

baguhin