Hukbong Mapagpalaya ng Bayan
Ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (Ingles: People's Liberation Army, PLA; simpleng Intsik: 中国人民解放军; tradisyunal na Intsik: 中國人民解放軍; pinyin: Zhōngguó Rénmín Jiěfàngjūn) ay ang sandatahang lakas ng bansang Tsina.
Hukbong Mapagpalaya ng Bayan People's Liberation Army (Ingles) 中国人民解放军, Zhongguo Renmin Jiefangjun (Intsik) | |
---|---|
Ang sagisag ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ng Tsina | |
Itinatag | Agusto 1, 1927 |
Mga sangay na palingkuran | Hukbong Lupa ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan Hukbong Pandagat ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan Hukbong Panghimpapawid ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan |
Naitatag ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan noong unang araw ng Agusto, taong 1927, bilang "Hukbong Pula ng mga Manggagawa at Magsasaka ng Tsina" sa pagsimula at kasagsagan ng Pag-aalsa sa Nanchang. Nagsimula ito bilang isang hukbong kadalasan ay binuo ng mga magsasaka sa gitnang bahagi ng bansa. Ngunit mga ilang taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, kusang dumami ang kanilang mga bilang at armas, at noong taong 1950 ay tuluyang naagaw ng hukbo ang buong bansa kung saan ang mga nalalabing tira ng pamahalaang Kuomintang ay lumayas sa isang maliit na isla ng Taiwan.
Lumaban rin ang hukbo sa Digmaang Koreano sa pangalang Hukbong Boluntaryo ng Bayan noong 1950 hanggang 1953. Malubha mang kulang sa mga sandata at pagkain ngunit labis na napakarami sa bilang sa mga panahong iyon, nagawa nilang tinalo ang hukbo ng Nagkakaisang Bansa na pinangungunahan ng Estados Unidos at naagaw nilang muli ang Hilagang Korea hanggang lumaban ang dalawang panig nang tablahan dalawang taon hanggang matapos ang digmaan. Pagkatapos ng digmaan, sinimulang inimodernisa ang hukbo, sa pamamagitan ng pagkuha ng makabagong teknolohiya mula sa ibang bansa gayun din sa paglikha ng kanilang sariling makabagong teknolohiya, upang maayos at maigi na ipagtanggol ang bansa.
Sa kasalukuyan, may apat na sangay ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan: ang Hukbong Lupa, Hukbong Himpapawid, Hukbong Dagat, at ang Second Artillery Corps na siyang nangangasiwa sa mga armas nukleyar ng bansa. May kalakhang lakas na 2,285,000 kawal (0.18% ng populasyon ng bansa), ito ang pinakamalaking sandatahang lakas sa daigdig.
Pinamamahala ang Hukbong Mapagpalaya ng Bayan ng mga pinuno ng Punong Komisyong Militar ng Partido Komunista ng Tsina.
Itinalaga ang mga kawal ng hukbo sa iba't ibang bahagi ng bansa sa pitong rehiyong militar at mahigit 20 na distrito militar.