Pepe Diokno
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Setyembre 2017)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Pepe Diokno, ipinanganak bilang Jose Lorenzo Diokno noong 13 Agosto 1987, ay isang direktor ng mga pelikula, produsyer, manunulat, at isang estudyente ng kursong film sa Unibersidad ng Pilipinas. Kilala siya sa pagkakapanalo ng Orizzonti Prize at Luigi de Laurentiis (Lion of the Future Award) sa Venice Film Festival nitong 2009 gamit ang kanyang pelikulang pinamagatang Engkwentro, at lahat ng ito ay kanyang naatim sa murang edad na 22. Siya ang tinaguriang pinakabatang nanalo sa Venice Biennale, ang pinakalumang film festival sa mundo.
Ang pinakaunang gawa ni Pepe Diokno, pinamagatang No Passport Needed na isang maikling pelikulang tumatalakay sa pagpatay sa mga kriminal na gustong makaalpas sa hudikatura ng bansa, ay nainomina bilang Best Short Film sa Cinemalaya Film Festival noong 2006. Ito ay sinundan ng kanyang sunod na gawa, Dancing for Disciple, isang dokyumentaryong tumatalakay sa mga sumasayaw na inmates sa prisinto sa Cebu noong 2007.
Noong 2008 ng Disyempre, nakatanggap si Pepe Diokno ng mahigit PHP 500, 000 (USD 10,000) na isponsorsyip mula sa Cinemalaya na siyang ginamit para sa pagbuo kanyang pelikulang pinamagatang Engkwentro na siyang nagtamo ng maraming awards mula pa sa mga banyagang bansa. Ang nasabing pelikula ay plano rin ni Diokno i-sumite bilang thesis sa kanyang undergraduate study sa Unibersidad ng Pilipinas, subalit hindi ito tinanggap sapagkat nauna ito iskreen sa ibang lugar kesa sa CineAdarna kung saan sa bawat simestre ng kolehiyo ay nagpapalabas ng mga thesis ng mga undergraduates.
Pinabulaanan siya ng UK Phaidon Press bilang isa sa mga pinakamagaling na baguhang direktor na nakasaad sa librong Take 100: The Future of Film ng parehong kompanya.
Si Pepe Diokno rin ay nagsusulat para sa The Philippine Star, isang lokal na pahayagan.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.