Sining-pagganap

(Idinirekta mula sa Performing arts)

Ang Sining-pagganap ay ang mga uri o anyo ng sining na naiiba mula sa mga plastik na sining dahil sa ang isinasagawang sining ay gumagamit ng sariling katawan, mukha, at ang pagharap ng artista bilang isang midyum, samantalang ang plastik na sining ay gumagamit ng mga materyal na katulad ng putik, metal, o pintura na maaaring hubugin o baguhin upang makalikha ng isang pisikal o may katawang akda ng sining o masining na bagay.

Mga uri

baguhin

Kabilang sa isinasagawang sining ang sayaw, tugtugin, opera, tanghalan, salamangka (ilusyon), binibigkas na salita, sining sa sirkus, at tanghalang matugtugin.[1] Ang mga alagad ng sining na nakikilahok sa isinasagawang sining na nasa harapan ng mga manonood ay tinatawag na mga tagapagtanghal, na kinabibilangan ng mga aktor, mga komedyante, mga mananayaw, mga ilusyonista (mga madyikero o salamangkero), mga musikero (mga manunugtog), at mga mang-aawit (mga manganganta). Ang isinasagawang sining ay sinusuportahan din ng mga manggagawang nasa kaugnay na mga larangan, katulad ng pagsusulat ng awit at gawaing pang-entablado. Ang mga nagtatanghal ay kadalasang ibinabagay ang kani-kanilang kaanyuan para sa pagtatanghal, katulad ng paggamit ng mga kostyum at mga kosmetikong pantanghalan.

Mayroon ding isang espesyalisadong anyo ng pinong sining kung saan ang mga artista ay isinasagawa ang kanilang gawain sa harapan ng mga manonood na talagang pumupunta bilang panauhin sa tanghalan. Ito ay tinatawag na sining ng pagtatanghal. Karamihan sa sining ng pagtatanghal o sining ng pagganap ay kinasasangkutan ng ilang uri ng plastik na sining, marahil ay sa paglikha ng mga prop o kaariang pangtanghalan. Ang sayaw ay kadalasang tinutukoy bilang isang plastik na sining noong kapanahunan ng Modernong sayaw.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "What is performing arts and examples?". Valley Arts United. Abril 25, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Pebrero 2023. Nakuha noong 12 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.