Si Pericles o Perikles (ca. 495429 BK), Griyego: Περικλῆς, na nangangahulugang "napapalibutan ng luwalhati" ay isang tanyag at maimpluhong politiko. Isa rin siyang orador, at heneral ng Atenas. Namuhay siya sa pagitan ng mga digmaang Persa (Persian) at Peloponesyano. Ninuno niya, sa pamamagitan ng kanyang ina, ang pamilyang Alcmaeonidae.

Malaki ang impluwensiya ni Pericles sa lipunang Atenyano. Inilarawan siya ni Thucydides, na kanyang kasabayan, bilang "ang unang mamamayan ng Atenas". Ginawa ni Pericles ang Ligang Deliano upang maging isang imperyo Atenyano at pinamunuan ang kanyang mga kamamamayan noong unang dalawang mga taon ng Digmaang Pelopensiyano. Ang kapanahunang kung kailan pinamunuan niya ang Atenas, humigit-kumulang magmula 461 hanggang 429 BK, ay tinatawag kung minsan bilang ang "Panahon ni Pericles," bagaman ang kapanahunan ay maaaring magsama ng panahon mas maaga katulad ng Mga Digmaang Persa ''(Persian)'', o mas huli katulad ng kasunod na daantaon.

Pagkalipas ng edad 25 anyos ni Pericles, nagtaguyod siya ng isang pangunahing produksiyong dramatiko para sa pestibal ni Dionysus, at inaliw din niya ang buong lungsod. Nag-asawa rin si Pericles at nagkaroon ng dalawang mga anak na lalaki. Hindi nalalaman kung ano ang pangalan ng kanyang asawa. Pagkaraan ng isang dekada, nagsimulang magustuhan si Pericles ng mga tao, at nadagdagan pa ang pagkagusto sa kanya ng mga ito. Sumali siya sa politikong si Ephialtes. Inalis nina Pericles at Ephialtes ang mga kapangyarihan ng mga maharlika at pagkaraan niyon ay nagkaroon ng mga kinahinatnan. Dahil sa kanilang ginawa, ang kakampi ni Pericles na si Ephialtes ay dumaan sa isang asasinasyon.

Pinasulong ni Pericles ang sining at panitikan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit may reputasyon ang Atenas bilang sentro ng edukasyon at kultura noong panahon ng mundo ng sinaunang Gresya. Sinimulan ni Pericles ang isang maambisyosong proyekto na nagtayo ng karamihan sa nananatili pang mga estruktura na nasa Akropolis (kabilang ang Parthenon). Ang proyektong ito ang lalo pang nagpaganda sa lungsod. Ipinakita rin ng proyekto ang luwalhati ng lungsod, at nagbigay ng trabaho para sa mga tao.[1] Bilang dagdag pa, nilinang ni Pericles ang demokrasyang Atenyano hanggang isang pagkakataon kung kaya't tinawag siya ng mga kritiko o mga tagapagsuri bilang isang populista.[2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. L. de Blois, An Introduction to the Ancient World, 99
  2. S. Muhlberger, Periclean Athens.
  3. S. Ruden, Lysistrata, 80.