Peter von Zahn
Si Peter von Zahn (29 Enero 1913 – 26 Hulyo 2001) ay isang Alemang manunulat, may-akda, tagagawa ng pelikula, prodyuser na pantelebisyon at tagapamahayag.[1]
Peter von Zahn | |
---|---|
Kapanganakan | 29 Enero 1913
|
Kamatayan | 26 Hulyo 2001
|
Mamamayan | Alemanya |
Trabaho | mamamahayag, direktor ng pelikula, screenwriter |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si von Zahn sa Chemnitz, Alemanya. Noong 1939, tinanggap niya ang kanyang pagkaduktorado mula sa Freiburg. Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumanap siya bilang isang korespondiyente ng balita sa hukbong katihan ng Alemanya. Pagkaraan, naging isa siyang brodkaster sa radyo. Noong 1951, nagpunta siya sa Estados Unidos upang maglunsad ng serye ng mga programang ukol sa buhay at pulitka sa Estados Unidos. Bilang isang prodyuser ng mga palabas sa telebisyon, pangunahing nakabase siya sa Alemanya. Bilang may-akda, sumulat siya ng apat na aklat hinggil sa Estados Unidos.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Patrick O'Donovan; Marcus Cunliffe; Alain Clément; Massimo Salvadori; Sigmund Skard; Peter von Zahn; Max Warren; Herbert von Borch; Raymond Aron (1965). "Peter von Zahn". The United States, Life World Library. Time-Life Books, Bagong York.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), paglalarawan sa may-akda ng Kabanata 6: The Busy Search for Leisure ng aklat na ito, pahina 114.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.