Petra Macli-ing

(Idinirekta mula sa Petra Macliing)

Si Petra Macli-ing o Nanay Petra na kilala din bilang Ina Tannao ay isang pinuno ng mga katutubo sa Cordillera na ginawaran ng Laureate Prize for Rural Women noong 2009.[1][2] Siya ay nagmula sa Mainit, Bontoc, Mountain Province.[3]

Personal na buhay

baguhin

Kasapi si Petra Macli-ing sa komunidad ng Bontoc sa Barangay Mainit sa Mountain Province.[1]

Itinaguyod ni Nanay Petra ang kanyang pamilya nang nag-iisa dahil namatay ang kanyang asawa pagkatapos niyang ipanganak ang kanilang ikawalong anak.[3] Siya ay nagsaka, nag-alaga ng mga baboy at nagkaroon ng tindahan para sa kanilang ikabubuhay.[3]

Pumapasok siya sa kanyang klaseng pang-elementarya sa isang pangpublikong paaralan habang nag-aaral ang kanyang bunsong anak.[3] Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral pagkatapos nito.[3]

Si Petra Macli-ing ay walang kaugnayan kay Macli-ing Dulag.[4]

Mga adbokasiya

baguhin

Tinutulan ni Petra Macli-ing ang pagtatayo ng apat na dam sa Ilog Chico na magiging dahilan ng pagkalubog ng kanilang mga tahanan at ng mga sakahan na pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.[4][1]

Sa pamumuno niya at kasama ang mga mga nanay at lola sa kanilang nayon ay gumawa sila ng hakbang na naging dahilan ng pagkabuwag ng kampo ng pagmimina at pag-alis ng mga inhinyero ng kumpanya ng pagmimina sa kanilang lugar.[3][4][5]

Binigyan ng inspirasyon ni Petra Macli-ing ang kanyang mga kasama sa nayon sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbibigay nito ng halimbawa na patuloy na gamitin ang kanilang tradisyunal na paraan ng pagsasaka at tanggihan ang paggamit ng kemikal.[3]

Mga nagawa

baguhin

Noong 1984 ay kasama si Petra Macli-ing sa mga nagtatag ng Cordillera Peoples’ Alliance (CPA).[3]

Kabilang din siya sa mga nagtatag ng Kalinga Bontoc Peace Pact Holders Association (KBPPHA) noong 1979 na isang samahan ng mga pinunong katutubo at ng mga may hawak ng kasunduan sa kapayapaan.[3][1]

Noong 2006 ay tumulong siya upang maitatag ang Cordillera Elders Alliance (CEA).[4] Naging kasapi siya ng pang-rehiyon na konseho ng alyansang ito.[3]

Tumulong din siya sa pagkakabuo ng Cordillera Bodong Association mula 1981 hanggang 1983.[4]

Pinamunuan niya ang Montañosa Women’s Federation at naging pinuno siya ng simbahan sa Episcopal Church Women sa Bontoc.[3]

Parangal na natanggap

baguhin

Isa si Petra Macli-ing sa siyam na indibidwal na ginawaran ng Laureate Prize para sa Rural Women ng Women’s World Summit Foundation noong 2009 para sa kanyang mga nagawa para sa proteksyon ng mga karapatan ng mga katutubo sa sariling pagpapasya at lupaing ninuno.[3][4]

Sa selebrasyon ng 5th International Day of Rural Women noong 2012 ay pinarangalan si Petra Macli-ing ng Asian Rural Women’s Coalition para sa kanyang paglaban sa karahasan laban sa kababaihan at para sa kanyang paghahanap ng higit na mabuting pagtrato sa mga maralita sa kanayunan, mga bilanggong pulitikal, mga magsasaka at mga bata.[4]

Kamatayan

baguhin

Yumao si Petra Macli-ing noong Mayo 25, 2018 sa edad na 90 taong gulang.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Caluza, Desiree (Marso 30, 2016). "Bontoc woman is a human rights icon". VERA Files. Nakuha noong Pebrero 9, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. Ngabit-Quitasol, Kimberlie (Mayo 31, 2018). "A woman who 'squeezed men's balls' in defense of her homeland". Kodao Productions. Nakuha noong Pebrero 9, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.00 3.01 3.02 3.03 3.04 3.05 3.06 3.07 3.08 3.09 3.10 3.11 "Mother Petra Macli-ing: A Shining Light in the Rural Landscape of Northern Philippines". Cordillera Peoples Alliance. Mayo 10, 2020. Nakuha noong Pebrero 9, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 Quitasol, Kimberlie (Hunyo 1, 2018). "Remembering Mother Petra, Bontoc warrior". INQUIRER.net. Nakuha noong Pebrero 9, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. Balaguio, Wesley (Disyembre 15, 2019). "A call to action to the young indigenous women of the Cordillera | CWEARC". cwearc.org. Nakuha noong Pebrero 9, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
baguhin