Phascolarctos stirtoni

Ang Dambuhalang Koala o Higanteng Koala (Phascolarctos stirtoni) ay isang arboryal o naninirahan sa punong marsupyal na umiral sa Australya noong kapanahunang Pleistoseno. Mga isang katatluhan ang kalakihan ng Phascolarctos stirtoni kung ihahambing sa pangkasalukuyang Koala,[1] at nagkaroon ng tinatayang timbang na 29 mga libra o 13 mga kilogramo (na katumbas ng bigat ng isang malaking pangkasalukuyang lalaking Koala).[2] Bagaman itinuturing na isang kabahagi ng megafauna o malalaking palahayupan ng Australya, hindi ito isinasali ng sariling masa ng katawan mula sa pormal na mga kahulugan ng megafauna. Pinakaimainam na inilalarawan ito bilang isang matipunong koala, kaysa isang "dambuhala"; kung saan ang ilang bilang mga malalaking hayop ng Australya, katulad ng Diprotodon at Procoptodon goliah, ay hindi kaduda-dudang mga higante.

Dambuhalang Koala
Temporal na saklaw: Pleistoseno
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Infraklase:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
P. stirtoni
Pangalang binomial
Phascolarctos stirtoni

Namuhay na magkasama ang dalawang uri ng mga koala noong panahong Pleistoseno, na naninirahan kapwa sa kaparehong mapupunong mga pook.[1] Hindi nalalaman kung bakit nangamatay ang mas malaki kaysa sa dalawang uri noong mga 50,000 mga taon na ang nakalilipas.

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Parks South Australia: Naracoorte Caves website". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-26. Nakuha noong 2007-10-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Prideaux, Gavin J. (2007). "Mammalian responses to Pleistocene climate change in southeastern Australia" (PDF). Geology. 35: 33. doi:10.1130/G23070A.1.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

Panlabas na mga kawing

baguhin