Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko

pambansang pangasiwaan ng Pilipinas sa meteorolohiya, hidrolohiya at astronomiya

Ang Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko[1] (Ingles: Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, pinaikli bilang PAGASA) ay isang pambansang institusyon sa Pilipinas na nilikha upang magbigay ng mga babala tungkol sa baha at sa mga bagyo, pampublikong taya ng panahon, meteorolohiya, astronomikal at iba pang impormasyon at serbisyo na ang layunin ay ang maproteksiyonan ang buhay at ari-arian at para suportahan ang paglago at patuloy na pagbabago sa ekonomiya ng bansa. Binuo ang pangasiwaan noong 8 Disyembre 1972 sa ilalim ng Atas ng Pangulo Blg. 78 (Presidential Decree No. 78), na nagsaayos ng Kawanihan ng Panahon (Weather Bureau) upang maging PAGASA.[2]

Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko

Gusali ng punong tanggapan ng PAGASA
Buod ng Ahensya
Pagkabuo8 Disyembre 1972
Superseding agency
  • Kawanihan ng Panahon
KapamahalaanThe Philippine Area of Responsibility (PAR)
Punong himpilanScience Garden Complex, Daang Agham, Diliman, Lungsod Quezon
Tagapagpaganap ng ahensiya
  • Vicente B. Malano, Tagapangasiwa
Pinagmulan na ahensiyaKagawaran ng Agham at Teknolohiya
Websaythttps://bagong.pagasa.dost.gov.ph

Kasaysayan

baguhin

Nagsimula ang pag-obserba pang-meteorolohikal sa Pilipinas noong ika-1 ng Enero 1865, sa ilalim ng Observatorio Meteorológico del Ateneo Municipal de Manila, na pinapangasiwaan ng mga Paring Heswita na tinatawag na ngayong Manila Observatory sa Pamantasang Ateneo ng Maynila. Noong Abril 28, 1884, nagpalabas ng utos si Haring Alfonso XII na kumikilala sa obserbatoryo bilang isang opisyal na institusyon ng pamahalaang kolonyang Kastila sa Pilipinas.

Sa simula ng ika-20 dantaon, ang mga obserbatoryong pangmeteorolohikal ay inilipat mula sa Simbahang Katolika patungo sa pamahalaang kolonyang Amerikano.

Inilabas ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Atas ng Pangulo Bld. 78 na magbubuo ng sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), at isinama ang paglilingkod meteorolohikal at astronomikal na obserbatoryo sa ilalim ng iisang tanggapan. Ang atas ay kinapapalooban din ng paglipat nito sa ilalim ng saklaw ng Kagawaran ng Pambansang Tanggulan. Noong ika-2 ng Hunyo 1977, sinusog ng Atas ng Pangulo 1149 ang orihinal na tsarter ng PAGASA na nagsasama ang pagtatatag ng Typhoon Moderation Research and Development Office (TMRDO) at ng National Flood Forecasting Office (NFFO). Noong ika-18 ng Setyembre 1984, inilipat ang PAGASA sa ilalim ng saklay ng Ministro ng Pambansang Tanggulan patungo sa National Science and Technology Authority (NSTA).

Ang PAGASA ay nagbabantay sa mga namumuong sama ng panahon at nagbibigay ng babala para sa mga bagyo. Ang mga sumusunod na coordinates ay ang hangganan na sakop ng PAGASA.

25°N 120°E, 25°N 135°E, 5°N 135°E, 5°N 115°E, 15°N 115°E, 21°N 120°E at bumalik sa umpisa.[3]

Ang PAGASA ay naglalabas ng kanilang ulat bawat anim na oras sa lahat ng bagyo para sa mga lugar na maaaring maapektuhan nito at tuwing ika-labingdalawang oras naman kung walang bagyo makakaapekto sa Pilipinas. Noong ika-27 ng Agosto 2007, sinabi ng PAGASA na ang pangasiwaan ay maglalagay ng tornado warning system, pagkatapos ng sunod-sunod na malalakas at mapaminsalang buhawi ang sumira ng mga kabahayan sa Gitnang Luzon. Nagbigay din ng babala ang PAGASA sa mga nakatira sa Kanlurang bahagi ng Luzon na asahan ang pagdating ng iba pang buhawi simula Hulyo hanggang Setyembre dahil sa hindi wastong weather patterns at pagbabago sa klima. Noong 23 Agosto 2007, ang pangalawang buhawi ay sinira ang tatlumpung (30) kabahayan sa apat na lugar sa San Miguel, Bulacan, ang una ay sinira ang dalawampung-pito (27) sa San Rafael noong 8 Agosto 2007.[4]

 
Ang Philippine Area of Responsibility (PAR) ay isang babala para sa mga bagyo na papasok dito

.

Talaan ng mga taga-ulat

baguhin
Meterolohiya

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Maghanda para sa mga Kalamidad Likha ng Kalikasan: Mga Impormasyon at Takbuhan ng Tulong mula sa Gobyerno". GOVPH. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-25. Nakuha noong Setyembre 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2015-09-25 sa Wayback Machine.
  2. "A BRIEF HISTORY OF THE PHILIPPINE METEOROLOGICAL SERVICE". Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-13. Nakuha noong 2008-12-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-10-13 sa Wayback Machine.
  3. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-10-19. Nakuha noong 2009-02-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2005-10-19 sa Wayback Machine.
  4. GMA NEWS.TV, PAGASA to put up tornado warning system

Mga kawing panlabas

baguhin