Pilosopiya ng isipan
Ang pilosopiya ng isipan ay ang pag-iisip na patungkol sa kung paano gumagana ang isipan at nagpapatuloy sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga bagay na nasa mundo. Nakatuon din ito sa kamalayan na sinasaliksik sa larangan ng sikolohiya at ng pisika. Samakatuwid, ang pilosopiya ng isipan ay isang sangay ng pilosopiya na nagsasagawa ng pag-aaral hinggil sa kalikasan ng isipan, mga kaganapang pang-isipan, mga tungkuling pang-isipan, mga pag-aaring katangian na pang-isipan, kamalayan at ng kaugnayan nito sa katawang pisikal, lalo na ang sa utak. Ang suliranin ng isipan at ng katawan, na ugnayan ng isipan sa katawan, ay karaniwang tinatanaw bilang isang paksang susi sa pilosopiya ng isipan, bagaman mayroong iba pang mga paksa na nakatuon sa kalikasan ng isipan na hindi kinasasangkutan ng kaugnayan nito sa katawang pisikal na katulad ng kung paanong ang kamalayan ay naging maaaring umiral o nangyayari.[1]
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya, Sikolohiya at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.