Photios I ng Constantinople

(Idinirekta mula sa Photios I of Constantinople)

Si Photios I (play /ˈfʃəs/; Griyego: Φώτιος, Phōtios; c. 810 – c. 893a[›]) o Photius o Fotios ang Ekumenical na Patriarka ng Constantinople mula 858 hanggang 867 at mula 877 hanggang 886. Siya ay kinikilala sa mga simbahang Silangang Ortodokso bilang San Photios ang Dakila. Si Photios ay malawakang kinikilala bilang ang pinaka makapangyarihan at maimpluwensiya (influential) na Patriarka ng Constantinople mula kay Juan Crisostomo at bilang ang pinakamahalgang intelektuwal ng kanyang panahaon na "ang nangungunang liwanag ng ika-9 na siglong renasimiyento".[1] Siya ay isang sentral na pigura sa parehong pang-aakay sa Kristiyanismo ng mga Slav at sismang Photiano.[2]

Photios
The Great
Ipinanganakc. 820
Constantinople
NamatayPebrero 6, 893
Bordi, Armenia
Benerasyon saEastern Orthodox Church
KapistahanPebrero 6/19

Si Photios ay isang napaka edukadong tao mula sa isang maharlikang pamilyang Constantinopolitano. Ang kanyang dakilang tiyuhan ang nakaraang Patriarka ng Constantinople na si Patriarka Tarasios ng Constantinople.[3] Kanyang nilayon na maging isang monghe ngunit sa halip ay piniling maging skolar at isang politiko. Noong 858 CE, pinatalsik ni Emperador Michael III si Patriarka Ignacio ng Constantinople at si Photios na isa lang taong lay ay hinirang na kanyang kapalit.[4] Sa gitna ng mga labanan sa kapangyarihan sa pagitan ng papa at ng emperador na Bizantino, si Ignacio ay muling inilagay bilang patriarka.[4] Ipinagpatuloy ni Photios ang posisyon nang mamatay si Ignacio noong 877 sa utos ng emperador na Bizantino.[4] Inaprobahan ng bagong papa na si Papa Juan VIII ang muling pagbabalik sa puwesto kay Photios.[5] Itinuturing ng mga Katoliko ang Ikaapat na Konseho ng Constantinople ng Romano Katoliko na nag-anathema kay Photios bilang lehitimo.[4] Itinuturing naman ng Silangang Ortodokso ang Ikaapat na Konseho ng Constantinople ng Silangang Ortodokso na nagbabaliktad sa una bilang lehitimo.[4] Ang pinagtalunang mga Konsehong Ekumenikal ay nagmamarka sa pagwawakas ng pagkakais ana kinatawan ng mga Unang Pitong Konsehong Ekumenikal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Louth 2007, Chapter Seven: "Renaissance of Learning: East and West", p. 159; Mango 1980, p. 168.
  2. Treadgold 1983, p. 1100.
  3. Jenkins 1987, Chapter Thirteen: "Ignatius, Photius, and Pope Nicholas I", p. 168.
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Cross & Livingstone 2005, "Photius".
  5. Durant 1972, p. 529.