Si Pia Arcangel (ipinanganak 8 Disyembre 1978) ay isang tagapagbalita at mamamahayag mula sa Pilipinas. Siya ang tagapagbalita sa mga pambalitang palabas ng GMA Network na Saksi at 24 Oras Weekend.

Pia Arcangel
Kapanganakan
Pia Arcangel

(1978-12-08) 8 Disyembre 1978 (edad 45)
NasyonalidadPilipino
Ibang pangalanPia
TrabahoTagapagbalita, taga-ulat, mamamahayag
Aktibong taon2001-kasalukuyan
AsawaMico Halili
AnakMikey Halili

Pansariling buhay

baguhin

Si Arcangel ay anak ni Clotilde N. Arcangel, Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Santo Tomas, na may lahing Kastila. Kinasal si Arcangel kay, Mico Halili na isang taga-ulat ng palakasan.[1]

Karera

baguhin

Nagsimula si Arcangel sa Studio 23 bilang taga-ulat at TV host. Noong 2003, napunta siya sa GMA Network. Dati siyang host ng Unang Hirit at Art Angel (kasama si Tonipet Gaba at Krystal Reyes). Sa QTV (GMA News TV na ngayon), nagbibigay siya ng balita Balitanghali (kasama si Raffy Tima).

Siya ngayon ay nagbibigay ng balita sa 24 Oras Weekend at Saksi.

Pilmograpiya

baguhin

Telebisyon

baguhin
Taon Pamagat Ginampanan
2014–kasalukuyan Saksi Tagapagbalita
2010–kasalukuyan 24 Oras Weekend Tagapagbalita
2006–2008 DoQmentaries Kanyang sarili
2006–2008 100% Pinoy Host
2006 Pinoy Meets World "Kenya Episode" Kanyang sarili
2005–2014 Balitanghali Tagapagbalita
2004–2010 Art Angel Host
2003–2013 Unang Hirit Host
2001–2003 Breakfast Supersize Taga-ulat
2000 UAAP on Studio 23 Taga-ulat

Mga sanggunian

baguhin
baguhin