Piazza Navona
Ang Piazza Navona (Plaza Navona) ay isang pampublikong bukas na espasyo sa Roma, Italya. Ito ay itinayo sa pook ng Estadio ni Domiciano, na itinayo noong ika-1 siglo AD, at sinundan sa anyo ng bukas na espasyo ng estadio. Ang mga sinaunang Romano ay nagtungo roon upang panoorin ang mga agones ("mga laro"), at sa gayon ito ay kilala bilang "Circus Agonalis " ("arena ng kompetisyon"). Ito ay pinaniniwalaan na sa paglipas ng panahon ay nagbago ang pangalan upang maging avone na naging navone at kalaunan ay naging navona.
Uri | Square |
---|---|
Lokasyon | Rome, Italy |
Mga koordinado | 41°53′56″N 12°28′23″E / 41.89889°N 12.47306°E |