Ang pikolo[1] o piccolo ay isang uri ng paputok na nasa anyo ng isang manipis na maliit na silindrikong patpat na pinunan ng pulbura at sinisindihan tulad ng pagsindi ng posporo.

Ang halimbawa ng mga Phosporus na Piccolo.

Legalidad

baguhin

Sa Pilipinas, sanhi ito ng mga pinsala lalo na sa mga bata dahil sa maagang pagksiklab o aksidenteng pagkalunon.[2][3][4] Ang Kagawaran ng Kalusugan kasama ang Kawanihan ng Pamatay-Sunog at mga lokal na ahensiya ng pamahalaan ay naglunsad ng mga hakbang para gawing ilegal ang pagbenta at pag-angkat ng mga piccolo.[5] May mga huwad at pinalitan ng tatak ang mga binebentang piccolo sa mga tindahan at sa mga pamilihan tulad ng sa Divisoria. Karamihan sa mga nasabing binebenta ay may tatak na "Made in Bulacan" (Gawa sa Bulacan) at may mga tagubilin sa Tagalog para hindi pagkamalang inangkat at subukang maiwasan ang pagkahuli ng mga awtoridad.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Pikolo mula sa Tagaloglang.com. Nakuha noong 26-09-21
  2. Ducusin, Lee Ann (28 Disyembre 2015). "Piccolo still top 'cracker' injury cause". Journal Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 1 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Uy, Jocelyn (8 Disyembre 2015). "DOH urges ban on 'piccolo' firecracker". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Piccolo still cause of most firecracker-related injuries —DOH". GMA News (sa wikang Ingles). 28 Disyembre 2015. Nakuha noong 1 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Crisostomo, Sheila (8 Disyembre 2015). "DOH seeks strict ban on piccolo". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Banned 'piccolo,' 'pop pop' seized in Manila port". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). ABS-CBN. 29 Disyembre 2014. Nakuha noong 1 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)