Pilosopiyang pangkontinente
Ang mga pilosopiyang pangkontinente o mga pilosopiyang kontinental ay isang pangkat ng mga tradisyon o kaugaliang pampilosopiya noong ika-19 at ika-20 mga daantaon magmula sa punong-lupain ng Europa.[1][2] Ang ganitong diwa ng kataga ay nagmula sa piling ng mga pilosopong nagsasalita ng wikang Ingles noong pangalawang hati ng ika-20 daantaon, na gumamit ng wikang ito upang tukuyin ang isang kasaklawan ng mga nag-iisip at mga tradisyong nasa labas ng kilusang analitiko. Kabilang sa pilosopiyang pangkontinente ang sumusunod na mga kilusan: ideyalismong Aleman, penomenolohiya, eksistensiyalismo (at ang mga nauuna rito, katulad ng kaisipan nina Kierkegaard at Nietzsche), hermeneutika, istrukturalismo, post-istrukturalismo, peminismong Pranses, teoriyang sikoanalitiko, at ang teoriyang kritikal ng Paaralan ng Frankfurt at kaugnay na mga sangay ng Marxismong Pangkanluran.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Leiter 2007, p. 2 : "As a first approximation, we might say that philosophy in Continental Europe in the nineteenth and twentieth centuries is best understood as a connected weave of traditions, some of which overlap, but no one of which dominates all the others."
- ↑ Critchley, Simon (1998), "Introduction: what is continental philosophy?", sa Critchley, Simon (pat.), A Companion to Continental Philosophy, Blackwell Companions to Philosophy, Malden, MA: Blackwell Publishing Ltd, p. 4
{{citation}}
:|editor2-first=
missing|editor2-last=
(tulong); Unknown parameter|editor2-8 last=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ Ang talang nasa itaas ay kinabibilangan lamang ng mga kilusan na karaniwan sa mga listang tinipon nina Critchley 2001, p. 13 at Glendinning 2006, pp. 58–65
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.