Pintados-Kasadyaan

Ang Pintados-Kasadyaan ay isang pista na ginaganap tuwing Hunyo sa Leyte sa Pilipinas.

Pista ng Pintados-Kasadyaan sa Leyte, Pilipinas

Kasaysayan

baguhin
 
Banner ng Pintados Kasadyaan 2019

Ipinagdiwang ang unang Pista ng Pintados sa Leyte noong Hunyo 29, 1987, isang taon matapos maitatag ang Pintados Foundation, Inc. noong 1986 ng mga taga-Leyte na nag-oorganisa ng mga gawaing pangkultura at pangrelihiyon upang parangalan ang Señor Santo Niño. Isinama ang Pista ng Pintados sa Pista ng mga Pista ng Kasadyaan noong 1996.[1][2]

Ang Pintados ay tumutukoy sa mga sinaunang magigiting na mandirigma ng rehiyon samantalang ang salitang kasadya-an ay nangangahulugan ng kaligayahan sa wika ng mga taga-Visayas.[3][1]

Nahinto ang pagdiriwang ng Pintados-Kasadyaan noong taong 2020 dahil sa pandemyang COVID-19.[4]

Mga pagdiriwang

baguhin
 
Paglahok ng Pista ng Buyogan sa Pista ng Pintados-Kasadyaan
 
Pintados sa Pista ng Pintados-Kasadyaan
 
Paglahok ng Tribu ng Buraburon sa Pista ng Pintados-Kasadyaan

Kasama sa mga pagdiriwang na nagaganap tuwing Pintados-Kasadyaan ay ang Pista ng mga Pista ng Leyte (Inggles: Festival of Festivals of Leyte), ang pagtatanghal ng ritwal na sayaw ng mga Pintados, at ang Pagrayhay o ang pagdiriwang para sa Marangyang Parada (Inggles: Grand Parade).[1]

Nagpupunta sa Lungsod ng Tacloban ang mga kinatawan ng mga munisipyo ng probinsiya ng Leyte at doon ay nagsasama-sama sila upang makilahok sa pagdiriwang ng Pintados-Kasadyaan.[1]

Isinasalarawan ng mga katutubong sayaw na itinatanghal sa Pintados-Kasadyaan ang mga gawi ng mga ninunong Pilipino noong bago dumating ang mga Kastila. Ilan sa mga gawing ito ay ang pagsamba sa diyos-diyosan at ang pagganap ng mga katutubong epiko at musika.[1]

Sa parada ay napupuno ang mga lansangan ng Tacloban ng mga mananayaw na nakasuot ng mga makukulay na mga kasuotan at ang mga katawan ay napipinturahan ng mga iba't ibang hugis, pigura at kulay.[1][2]

Natatapos ang Pintados-Kasadyaan sa pamamagitan ng isang masaya at tradisyunal na pistang Pilipino.[1]

Mga kalahok

baguhin

Ilan sa mga lumahok sa Pintados-Kasadyaan ay ang mga kinatawan ng mga Pintados mula sa mga tribu ng Buraburon, Guadalupe-Anon, Mandaragat, Siete Cuatro, at Mangirisda at ang mga kinatawan para sa Kasadyaan mula sa mga Pista ng Buyogan, Pista ng Tulo-usa, Pista ng Makarato, Pista ng Lingganay, at Pista ng Pasaka.[2][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Ethnology Division, National Museum of the Philippines (2022-06-29). "Pintados Festival". National Museum of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-06-27. Nakuha noong 2024-06-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 National Commission for Culture and the Arts (2019-07-04). "Leyte celebrates Pintados-Kasadyaan Festival of Festivals". SunStar Publishing Inc. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  3. "Tacloban City's Pintados-Kasadyaan Festival". Behold Philippines (sa wikang Ingles). 2019-06-05. Nakuha noong 2024-06-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. 4.0 4.1 Sabalza, Gerico (Mayo 29, 2020). "Leyte drops Pintados-Kasadyaan Festival due to Covid". Philippine News Agency. Nakuha noong Hunyo 28, 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
baguhin