Kimikang makapisika

(Idinirekta mula sa Pisikal na kemika)

Ang kimikang pisikal, kimikang pampisika, o kimikang makapisika (Ingles: physical chemistry) ay ang pag-aaral ng kababalaghan o penomenang makroskopiko, atomiko, sub-atomiko, at partikulado (pampartikulo) na nasa loob ng mga sistemang pangkimika ayon sa mga batas at mga diwa ng pisika. Ginagamit nito ang mga prinsipyo, mga gawain, at mga diwa ng larangan ng pisika, katulad ng mosyon (galaw), enerhiya, puwersa (lakas), oras (panahon), termodinamika, kimikang pangkuwantum, mekanikang pang-estadistika, at dinamikang analitikal.

Bilang paghahambing sa pisikang makakimika o chemical physics, ang kimikang pisikal o "kimikang pangkatawan" ay pangunahing (ngunit hindi palagi) agham na makroskopiko o supramolekular, dahil sa ang karamihan sa mga prinsipyo na pinantatag ng kimikang pisikal ay mga konseptong may kaugnayan sa bulto o kalakihan sa halip na kayarian lamang na pangmolekula o pang-atomo. Halimbawa na ang ekilibriyong kimikal at mga koloyd.

Ang ilan sa mga ugnayan na pinagsusumikapang matugunan ng kimikal pampisika ay ang mga epekto ng:

  1. Mga puwesang intermolekular na nakakaapekto sa mga katangiang pag-aari ng mga materyal (plastisidad o "kaplastikan", lakas ng kakunatan, tensiyon ng kaibabawan sa mga likido).
  2. Kinetiks na pangreaksiyon sa antas ng isang pagtugon o reaksiyon.
  3. Ang identidad o pagkakakilanlan ng mga iyono hinggil sa konduktibidad na pangkuryente ng mga materyal.
  4. Kimikang pang-ibabaw at elektrokimika ng mga membrano ng selula.[1]

Mga pangunahing konsepto

baguhin

Isa sa mga pangunahing konsepto sa klasikal na kapnayan ay na ang lahat ng kemikal na kompawnd (compund) ay pwedeng ilarawan bilang mga pangkat ng mga atomang nagkumpulan; at ang mga kemikal na reaksyon ay mailalarawan bilang pagkahiwalay ng mga bonds nila. Isa sa mga pangunahing layuhin ng kimikang pisikal ay ang intelekswal paghula ng mga katangian ng mga kemikal na kompound galing sa pagkakalarawan sa mga atom at kung papaano sila magkumpol. Para ilarawan ang mga atom at ang kanilang bond ng wasto, kinakailangang malaman kung nasaan ang nukleyai ng mga atom at paano nakakalat ang mga elektron sa mga paligid nila.

Isang sangay ng kimikang pisikal na pinagkakaabalahan sa paggamit ng kwantum mekaniks sa mga problemang kimikal ay ang kimikang kwantum. Ito ay ang nagbibigay ng kagamitan upang malalaman kung gaano kalakas at kung anong hugis ang mga bonds, kung paano gumagalaw ang nukleyai, at kung papaano isinasaloob at pinapakawalan ang liwanag ng isang kemikal na kompound. Ang espektroskopya ay ang isang sangay ng kimikang pisikal na ang bahala sa pakikipag-ugnayan ng elektromagnetik radyasyon sa mga bagay.

Kung anong reaksyon ang nangyayari at gaano kabilis ay ang paksa ng kimikang kinetiko, isang sangay ng kimikang pisikal. Ang pangunahing palaisipan sa kimikang kinetiko ay; isa, upang ang mga reaktants ay makakabubuo ng mga produkto, ang karamihan ng mga kemikal ay kinakailangang dumadaan sa transition states ang enerhiyang kinakailangan upang tumuloy ang proseso ay mas mataas kumpara sa reaktants o produkto at ito ay nanghaharang sa reaksyon. Sa pangkalahatan, kung mas malakas ang enerhiya na kinakailangan sa transition state, mas mabagal ang reaksyon. Pangalawa, ay ang karamihan ng mga reaksyong kemikal ay nangyayari nang sunod-sunod na mga reaksyong elimentarya, na may kanikanilang transition state. Ang mga mahahalagang tanong sa kinetiko ay kung paano naaapekto ng temperatura at konsentrasyon ng mga reaktants at katalyst ang kabilisan ng reaksyon na maganap at kung papaano nila maimamanipula ang mga kondisyon na ito upang makuha ang pinakamabisang bilis ng reaksyon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Torben Smith Sørensen (1999). Surface chemistry and electrochemistry of membranes. CRC Press. p. 134. ISBN 0-8247-1922-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.