Pista opisyal sa Hapon

Ang pista opisyal sa bansang Hapon (国民の祝日, kokumin no shukujitsu) ay itinatag batay sa Batas sa Publikong Pista (国民の祝日に関する法律, Kokumin no Shukujitsu ni Kansuru Hōritsu) ng 1948 (ayon sa susog). May isang isang tuntunin sa batas na ito na nagsasaad na kung ang isang kapistahan ay bumagsak sa isang Linggo, ang susunod na araw ng trabaho ay isang pista opisyal na kilala bilang furikae kyūjitsu (振替休日, literal na nangangahulugan bilang "paglipat ng pista opisyal"). Karagdagan pa nito, anumang araw na pumatak sa pagitan ng dalawang iba pang mga pambansang pista opisyal ay nagiging isang pista opisyal din, na kilala bilang kokumin no kyūjitsu (国民の休日, literal na nangangahulagan bilang "pista opisyal ng mamamayan").

Bago ang pagsunod ng Hapon sa Kalendaryong Gregoryano noong 1873, nakabatay ang mga petsa ng mga pista opisyal sa tradisyunal na Kalendaryong Tsinong lunisolar. Sa gayon, ang Bagong Taon, halimbawa, ay ipinagdiriwng sa simula ng tagsibol, katulad sa makabagong Tsina, Korea at Biyetnam. Mayroon ang Hapon ng labing-anim na pista opisyal na pambansa at kinikilala ng pamahalaan. [1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nakamura, Akemi, "National holidays trace roots to China, ancients, harvests", Japan Times, 8 Abril 2008 (sa Ingles).