Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig

Ang Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig ay isang kilalang talaan ng kamangha-manghang mga gusali o mga pagtatayo noong klasikong panahong sinauna.[1] Ininatay ito sa ilang mga panggabay na aklat na sikat sa sinaunang mga turistang Heleniko (Sinaunang Gresya). Ilan sa panggabay na mga aklat na ito ang mga bersyong inakdaan nina Antipater ng Sidon at isang tagapagmasid na kinikilala bilang si Philon ng Bisantyum, na binubuo ng pitong mga gawang nakalagay sa paligid ng tagiliran ng Mediteraneo. Sa paglaon, nakapagbigay ng inspirasyon ang orihinal na talaang ito sa hindi mabilang na mga bersyon sa paglipas ng mga panahon, kadalasang nakatuon lamang sa may hangganang bilang ng pitong mga pagbanggit. Sa pitong orihinal na Pitong Mga Hiwaga, isa lang  – ang Dakilang Piramide ng Gisa  – ang nananatiling buo pa hanggang sa kasulukuyang panahon.

Ang Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig(mula kaliwa hanggang kanan, taas hanggang ilalim):Dakilang Piramide ng Giza, Mga Nakabiting Hardin ng Babilon, Templo ni Artemis at Efeso, Estatwa ni Zeus sa Olympia, Mausoleo sa Halicarnassus, Colossus ng Rhodes, at Paro ng Alehandriya gaya ng ipinapkita ng pintor na Dutch na si Maarten van Heemskerck noong ika-16 siglo.
Ang Dakilang Piramide ng Giza ang tanging isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig na nakatayo pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Ang Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig ang:

Pangalan Petsa ng pagtatayo Tagapagtayo Petsa ng pagkawasak Sanhi ng pagkawasak Modernong lokasyon
Great Pyramid of Giza 2584–2561 BK Mga Ehipsiyo Umiiral pa rin Giza Necropolis, Ehipto
Mga Nakabiting Hardin ng Babilonya c. 600 BK (malinaw) Mga Babilonyo o Asirio Pagkatapos ng unang siglo BK Mga lindol Hillah, Babylon Province, Iraq or
Nineveh, Nineveh Province, Iraq
Templo ni Artemis sa Efeso c. 550 BK; at muli noong 323 BK Mga Lydian, Mga sinaunang Griyego 356 BK (ni Herostratus)
AD 262 (ng mga Goth)
Pagsunog ni Herostratus, Pandarambong malapit sa Selçuk, Lalawigan ng Izmir, Turkiya
Estatwa ni Zeus sa Olympia 466–456 BK (Templo)
435 BK (Rebulto)
Mga sinaunang Griyego ika-5 hanggang ika-6 na siglo CE Giniba; kalaunang winasak ng apoy Olympia, Gresya
Mausoleo sa Halicarnassus 351 BC Carians, Mga Griyego noong 1494 CE Mga lindol Bodrum, Turkey
Colossus ng Rhodes 292–280 BK Mga Griyego 226 BK lindol Rhodes, Gresya
Paro ng Alehandriya c. 280 BK Ehiptong Ptolemaiko, mga Sinauang Griyego 1303–1480 CE lindol Alehandriya, Ehipto

Mga sanggunian

baguhin
  1. Anon. (1993)The Oxford Illustrated Encyclopedia, Unang Edisyon, Oxford:Pamantasan ng Oxford