Dakilang Piramide ng Giza

Ang Dakilang Piramide ng Giza[a] ang pinakamalaking piramide ng Sinaunang Ehipto at libingan ng paraon ng Ikaapat na dinastiya ng Ehipto na si Khufu. Ito ay itinayo noong ika-26 siglo BCE sa loob ng 27 taon [3] at ang pinakamatanda sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig at ang nanatiling umiiral . Ito bahagi ng kompleks ng piramide ng Giza at ang hanggangan nito ay sa Giza sa Greater Cairo, Ehipto.

Ang Dakilang Piramide ng Giza
Ang Dakilang Piramide ng Giza noong Marso 2005
Khufu
Coordinates29°58′45″N 31°08′03″E / 29.97917°N 31.13417°E / 29.97917; 31.13417
Ancient name
<
Aa1G43I9G43
>G25N18
X1
O24
[1]
ꜣḫt Ḫwfw
Akhet Khufu
Horizon ni Khufu
Constructedc. 2570 BCE (Ikaapat na dinastiya ng Ehipto)
TypePiramide
MaterialPangunahing batong apog, mortar, ilang granito
Height
  • 146.6 m (481 tal) or 280 cubits (originally)
  • 138.5 m (454 tal) (contemporary)
Base230.33 m (756 tal) or 440 cubits
Volume2.6 milyon m3 (92 milyon cu ft)
Slope51°50'40" o Seked of 5 1/2 palms[2]
Mga detalye ng gusali
Map
Rekord na kataas
Pinakamataas sa Mundo mula noong c. 2600 BCE hanggang 1311 cE[I]
Pinangunahan ngPulang Piramide
Nahigitan ngLincoln Cathedral[alanganin]
Bahagi ngMemphis, Ehipto at Necropolis nito mula Giza hanggang Dahshur
PamantayanCultural: i, iii, vi
Sanggunian86-002
Inscription1979 (ika-3 sesyon)

Ito ay may taas na 146.6 metro (481 talampakan) at ang pinakamataas na istrukturang gawa ng tao sa daigdig sa higit a 3,800 taon. Sa paglipas ng panahon, ang karamihan sa mga makinis na puting batong apog na takip nito ay tinanggal na nagpababa sa taas nito sa kasalukuyang 138.5 metro (454.4 tal). Ang makikita ngayon ang ilalim na panloob na istruktura. Ang ilalim ay mga 230.3 metro (755.6 tal) kwadrado, na nagbibigay ng bolyum na 2.6 milyon cubic metre (92 milyon cubic feet) na kinabibilangan ng loobang hillock.[4]

Ang mga dimensiyon nito ay 280 royal cubit (146.7 m; 481.4 tal) taas, haba ng base o ibaba na 440 cubits (230.6 m; 756.4 tal), na may seked na 5 1/2 palms (libis na 51°50'40").

Ang Piramide ng Giza ay itinayo sa pagkaka-kwaryo ng tinatayang 2.3 milyong malalaking bloke ng bato na may timbang na 6 milyong tonelada sa kabuuan. Ang karamihan ng mga bato ay hindi pantay sa hugis o sukat at ang mga ito ay pinakinis.[5] Ang labasang patong ay pinagsama ng mortar. Ang mga batong apog ng Talampas ng Giza ang ginamit. Ang ibang bloke ay inangkat sa bangka sa Ilog Nilo. ang puting batong apog ay mula sa Tura, Ehipto para sa takip at ang mga blokeng granito ay mula sa Aswan na may timbang na 80 tonelada kasa istruktura ng silid ng Hari.[6] May tatlong alam na silid sa loob nito. Ang pinakamababa ay hinugis sa kamang bato kung saan itinayo ang piramide ngunit hindi pa natapos.[7] Ang mga silid ng Hari at Reyna ay naglalaman ng mga sarkopagong granito na mas mataas sa loob ng istruktura ng piramide.. Ang vizier ni Khufu na si Hemiunu ang pinaniniwalaang arkitekto nito. Maraming mga hipotesis ang ipinakula kung anong eksaktong pamamamaraan ang ginamit sa pagtatayo nito. Ang puneraryong kompleks sa palibot ng piramide ay binubuo ng mga templong mortuaryo na inuugnay ng isang daanan sa itaas ng tubig na ang isa ay malapit sa piramide at ang isa ay sa Nilo, mga libingan sa malapit na kamag-anak, at korte ni Khufu kabilang ang tatlong maliliit na piramide para sa mga asawa ni Khufu at ang mas maliit na satellite na piramide at limang iniilibing na solar barge.

Talababa

baguhin
  1. Also known as the Pyramid of Khufu or the Pyramid of Cheops; Arabic: الهرم الأكبر

Mga sanggunian

baguhin
  1. Verner (2001), p. 189.
  2. Lehner 1997, p. 108.
  3. Tallet 2017.
  4. Lehner & Hawass 2017, pp. 143, 530–531.
  5. Lehner, Mark (2002). "The Fabric of a Pyramid: Ground Truth" (PDF). Aeragram. 5_2: 4–5. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-08-11. Nakuha noong 2022-08-10.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lehner 1997, p. 207.
  7. Romer 2007, p. 8"By themselves, of course, none of these modern labels define the ancient purposes of the architecture they describe."