Pulang Piramide
Ang Pulang Piramide, na tinatawag din na Hilagang Piramide, ay ang pinakamalaki sa tatlong pangunahing mga pyramide na matatagpuan sa nekropolis ng Dahshur sa Cairo, Ehipto. Pinangalanan dahil sa kalawanging pulang kulay ng pulang batong-apog na mga bato nito, ito rin ang ikatlong pinakamalaking Ehipsiyong piramide, sumunod ng Khufu at Khafra sa Giza. Ito rin ay pinaniniwalaan na unang matagumpay na pagsubok ng Ehipto sa pagtatayo ng isang "tunay" na magkabilaang-makinis na piramide. Tinatawag ng mga lokal na residente ang Pulang Piramide bilang el-heram el-watwaat, na may ibig sabihin na Paniking Piramide.
The Red Pyramid of Dahshur | ||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sneferu | ||||||||||||||
Coordinates | 29°48′30″N 31°12′21″E / 29.80833°N 31.20583°E | |||||||||||||
Ancient name |
Ḫˁ Snfrw Kha Sneferu Probably "Sneferu Shines"[1] "The Shining Pyramid"[2] | |||||||||||||
Constructed | Fourth Dynasty | |||||||||||||
Type | True | |||||||||||||
Material | Limestone | |||||||||||||
Height | 105 m (344 tal; 200 cu)[3] | |||||||||||||
Base | 220 m (722 tal; 420 cu)[3] | |||||||||||||
Volume | 1,694,000 m3 (2,216,000 cu yd)[4] | |||||||||||||
Slope | 43°22'[3] | |||||||||||||
Dati itong napalibutan ng puting Turang batong-apog, ngunit iilan na lamang sa mga batong ito ang nananatili ngayon sa pundasyon ng pyramid, sa sulok. Sa panahon ng Gitnang Kapanahunan, karamihan sa puting Turang batong-apog ay kinuha para sa mga gusali sa Cairo, na naglantad ng pulang batong-apog sa ilalim.
Kasaysayan
baguhinAng Pulang Piramide ang ikatlong piramide na ipinatayo ng Lumang Kaharian na Paraon na Sneferu, at ito matatagpuan sa humigit-kumulang isang kilometro sa hilaga ng Baluktot na Piramide. Ito ay itinayo sa parehong babaw na 43 degree na angulo tulad ng itaas na bahagi ng Baluktot na Piramide, na nagbibigay ng isang kapansin-pansing lupasay na hitsura kumpara sa iba pang mga Ehipsiyong piramide ng mga maihahambing na sukat. Ang pagtatayo nito ay pinaniniwalaan na nagsimula sa panahon ng ikatatlumpung taon ng paghahari ni Sneferu. Nagkakatunggali ang mga Ehiptologo sa haba ng oras na kinailangan upang matapos ito. Batay sa mga marka sa minahan na natagpuan sa iba't-ibang panahon ng konstruksiyon, tinatantya ni Rainer Stadelmann ang oras ng pagkumpleto na humigit-kumulang 17 taon habang si Juan Romer, batay sa mga parehong graffiti, ay nagmumungkahi na sampung taon at pitong buwan lamang ang kinailangan upang ito ay mabuo.
Kasalukuyang araw
baguhinAng Pulang Piramide ay 105 metro (344 tal) kataas.[5]
Ang Pulang Piramide, kasama ang Baluktot na Piramide, ay isinarado sa mga turista ng ilang taon dahil sa isang kalapit na kampo ng hukbo. Ngayon ito ay karaniwang bukas para sa mga turista at isang medyo mapanghimasok na pangpapasok ng sariwang hangin ay ikinabit na kung saan ang mga tubo ay nakabitin sa baras na pasukan sa panloob na kamara.
-
Ang Pulang Piramide sa Dahshur
-
Mga laryo ng Pulang Piramide sa Dahshur
-
Loob ng Pulang Piramide ni Sneferu
-
Pulis sa kamelyo sa harap ng Pulang Piramide sa Dahshur
-
Pagpapanumbalik na Proyekto sa Pulang Piramide sa Dahshur
-
Pulang Piramide ni Sneferu sa Dahshur
-
Pulang Piramide ni Sneferu sa Dahshur
-
Mga turistang bumibisita sa Pulang Piramide ni Sneferu sa Dahshur
-
Ang timog na harap ng Pulang Piramide
-
Pagpasok sa Pulang Piramide
Mga sanggunian
baguhin- Romer, John (2007). The Great Pyramid: Ancient Egypt Revisited. Cambridge University Press, Cambridge. ISBN 978-0-521-87166-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Lehner, Mark (1997). The Complete Pyramids. Thames and Husdon. ISBN 0-500-05084-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga tala
baguhin- ↑ Verner 2001d, p. 183.
- ↑ Lehner 2008, pp. 16–17.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Lehner 2008, p. 17.
- ↑ Bárta 2005, p. 180.
- ↑ Lehner (1997) p104