Papa Pio XI
Si Papa Pio XI (Latin: Pius PP. XI; Italyano: Pio XI) (ipinanganak noong 31 Mayo 1857 – namatay noong 10 Pebrero 1939) na ipinanganak bilang Ambrogio Damiano Achille Ratti ay isang Italyanong pari ng Simbahang Katoliko Romano at naging ika-261 Papa na nanungkulan mula 1922 hanggang 1939,[1] na taon ng kaniyang kamatayan. Naglabas siya ng maraming mga ensiklikal kabilang na ang Quadragesimo Anno na nagbibigay ng diin sa kapitalistikong kasakiman ng pananalaping internasyunal at mga paksa hinggil sa katarungang panlipunan, at ang Quas Primas na nagtatatag ng pista ng Kristong Hari. Ginamit niya ang motto bilang papa na "Ang kapayapaan ni Kristo sa kaharian ni Kristo".
Papa Pio XI | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 6 Pebrero 1922 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 10 Pebrero 1939 |
Hinalinhan | Papa Benedicto XV |
Kahalili | Papa Pio XII |
Mga orden | |
Ordinasyon | 20 Disyembre 1879 |
Konsekrasyon | 28 Oktubre 1919 ni Aleksander Kakowski |
Naging Kardinal | 13 Hunyo 1921 |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Ambrogio Damiano Achille Ratti |
Kapanganakan | 31 Mayo 1857 Desio, Lombardy-Venetia, Imperyong Austriano |
Yumao | 10 Pebrero 1939 Palasyong Apostoliko, Lungsod ng Batikano | (edad 81)
Dating puwesto | Arsobispo ng Milan (1921–1922) |
Eskudo de armas | |
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio |
Pagkapari
baguhinSumailalim si Ratti sa ordinasyon bilang pari noong 1875.[2] Si Padre Ratti ay dating naging isang propesor sa Seminaryo ng Padua mula 1882 hanggang 1888. Naghanapbuhay siya sa Aklatang Ambrosiano ng Milan mula 1888 hanggang 1911; at sa Aklatan ng Batikano mula 1911 hanggang 1914.[2]
Pagkaobispo
baguhinNoong 1919, ginawa ni Papa Benedicto XV si Ratti na isang Obispo ng Lepanto.[3] Noong 1921, pinangalanan siya ni Benedicto XV bilang Arsobispo ng Milan.[2]
Pagkakardinal
baguhinPagkapapa
baguhinNahalal si Kardinal Ratti bilang papa noong Pebrero 6, 1922; at pinili niya ang pangalang Papa Pio XI.[3] Ang ilan sa kaniyang mga naging pagpapasya ay naging kontrobersiyal. Nilagdaan niya ang Lateran Concordat sa piling ng Italya noong 1929; at nilagdaan niya ang Reichskoncordat sa piling nga Alemanya noong 1933.[5]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "List of Popes," Catholic Encyclopedia (2009); nakuha noong 2011-11-02.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "Pope Pius XI"[patay na link], Embryo Project Naka-arkibo 2011-10-05 sa Wayback Machine. (2010); nakuha noong 2011-11-02.
- ↑ 3.0 3.1 "Pontiff Spent His Life in Religion From His Boyhood Years," New York Times. Pebrero 10, 1939; nakuha noong 2011-11-9.
- ↑ Pius XI, a Diplomat and a Deep Student," New York Times. Pebrero 7, 1922; nakuha noong 2011-11-9.
- ↑ Flinn, Frank K. et al. (2007). "Pius XI," na nasa loob ng Encyclopedia of Catholicism, p. 520.
Mga kawing na panlabas
baguhinMay kaugnay na midya ang Pius XI sa Wikimedia Commons
- Pahina sa web ng Batikano, Pius XI biography (sa Italyano)
- Hirarkiyang Katoliko, Pope Pius XI
- Mga Kardinal ng Banal na Simbahang Romano Naka-arkibo 2011-10-30 sa Wayback Machine., Cardinal Ratti
Sinundan: Benedicto XV |
Papa 1922–1939 |
Susunod: Pio XII |