Piyansa
Sa tradisyonal na paglalarawan, ang piyansa (Ingles: bail) ay isang anyo ng pag-aari na dineposito o ipinangako sa hukuman upang hikayatin itong palabasin ang isang suspek sa bilangguan sa pagkaunawang ang suspek ay babalik para sa isang paglilitis o isusuko ang piyansa (at posibleng dalhin sa kaso ng krimen ng pagkabigong humarap sa korte). Sa ilang mga kaso, ang salaping pyansa ay maaaring ibalik sa pagwawakas ng paglilitis kung ang lahat ng mga pagharap sa korte ay naisagawa kahit pa ang taong ito ay natagpuang nagkasala (guilty) o hindi nagkasala sa krimeng inaakusa dito. Kung ang taongbono ay ginamit at ang ang isang bonong surety ay nakamit, ang kabayaran sa bonong ito ang kabayaran para sa patakarang seguro na binili at hindi na muling mababawi.
Sa ilang mga bansa, ang pagkakaloob ng piyansa ay karaniwan. Gayunpaman, kahit pa sa mga gayong bansa, ang piyansa ay maaaring hindi inaalok ng ilang mga korte sa ilalim ng ilang mga sirkunstansiya, halimbawa kung ang isang akusado ay tinuturing na malamang na hindi haharap sa korte para sa paglilitis kahit pa may piyansa o wala. Sa Inglatera, kabilang sa mga dahilan ng pagtanggi sa pagpipyansa ang pagtakas ng akusado, paggawa ng karagdagang kasalanan habang nakapyansa o pakikialam sa mga testigo. Maaari ring isaalang alang ng korte ang kalikasan at bigat ng kasalanan, karakter, mga dahilan, mga kaugnayan, tala ng piyansa at lakas ng ebidensiya. Maaari ring tumanggi ang korte sa pagpipiyansa para sa sariling proteksiyon ng suspek, kung ang akusado ay kasalukuyang nagsisilbi sa iba pang kasalanan, kung ang korte ay nasasapatan na hindi praktikal na makakakuha ng sapat na impormasyon, kung ang akusado ay tumakas na sa kasalukuyang mga imbestigasyon, kung ang akusado ay nahatulan na ngunit ang korte ay naghihintay ng isang paunang pagsesentensiya, iba pang mga ulat o pagsisiyasat at magiging hindi praktikal na makumpleto ang mga pagsisiyasat o gumawa ng ulat nang hindi papapanatilihin ang akusado sa kustodiya, kung ang akusado ay nakasuhan ng isang hindi mabibilanggong kasalanan, napalaya na sa piyansa sa kasalukuyang kasalanan na inaakusa nito at naaresto na sa pagtakas o paglabag sa piyansa.
Ang mga lehislatura ng bansa ay maaari ring magtakda na ang ilang mga krimen ay hindi mapipiyansahan gaya ng mga kapital na krimen.