Ang naikakandadong plais, plais na gato, o gatong plais (Ingles: locking pliers, mole grips, mole wrench o vise-grips) ay isang uri ng plais o gatong nahahawakan na maikakandado upang mahawakan ng mahigpit o ipitin ang isang bagay. Isa itong pangklampang may hawakan na mayroong isang tuwerka (bolt) na mababagu-bago ang puwang ng mga "panga", at mayroon namang panikwat (lever) ang isa pang gilid ng hawakan (partikular na ang mas malalaking uri) upang maitulak na mapaghihiwalay ang dalawang gilid ng hawakan upang matanggal ang pagkakakandado ng plais. Mga pangalang pangkalakal ng iba't ibang tatak ng plais na naikakandado ang "Mole" at "Vise-Grip". Inimbento ni William Petersen ang unang naikakakandadong plais, na pinangalanang vise grips, sa DeWitt, Nebraska noong 1924.[1] Inimbento naman ni Thomas Coughtrie ang mole grips noong 1955, na siyang tagapamahalang direktor ng kompanyang M. K. Mole and Son.[2]

Isang naikakandadong plais.
Isang maliit na gatong plais na mahigpit na humahawak sa isang lapis.

Makakakuha ng naikakandadong plais na nasa maraming pagkakaayos o konpigurasyon, katulad ng may "ilong na karayom" (needle-nose locking pliers), naikakandadong liyabe (locking wrenches), naikakandadong mga klampa (locking clamps), at may sari-saring mga hugis upang matatag na maipit ang mga bahagi ng metal para sa paghihinang o pagwewelding. Mayroon din silang maraming sukat. Gumagawa ang Leatherman ng isang tinatawag na "maramihang-kasangkapan" (multitool) na kinabibilangan ng naikakandadong plais sa halip na isang pangkaraniwang plais, at naititiklop hanggang sa maging kasukat lamang ng isang pangkaraniwang multitool.

Paggamit

baguhin

Itinakda ang mga panga nito sa sukat na mas maliit na bahagya kaysa diyametro ng bagay na iipitin o hahawakan ng mahigpit sa pamamagitan ng pagpihit sa tuwerka sa isang hawakan habang nakasara ang mga panga. Kapag binuksan o ibinuka ang mga panga at pinisa o pinagdikit ang mga hawakan, nagpapagalaw ang mga ito ng isang panikwat sa ibabaw ng gitna o sentro nito at ikakandado ang panga ng plais sa inipit na bagay. Pangunahing gamit nila ang paghawak sa mga bahaging metal para sa paghihinang.

Sanggunian

baguhin
  1. "History - Irwin Industrial Tools". Irwin Industrial Tools. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-28. Nakuha noong 2008-06-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. obituwaryo sa The Times Naka-arkibo 2010-05-24 sa Wayback Machine., 18 Oktubre 2008

Mga kawing panlabas

baguhin