Hades

(Idinirekta mula sa Pluto (diyos))

Si Hades ( /ˈhdz/; Sinaunang Griyego: ᾍδης o Άͅδης, Háidēs) ay ang diyos ng mga patay at kamatayan sa mitolohiyang Griyego. Siya rin ang diyos ng Mundong Ilalim, na sa kalaunan kinuha ang kanyang pangalan. Tinagurian din siyang diyos ng kayamanan, dahil sa nakakubling mahahalagang mga metal na nakabaon at nakakubli sa lupa ng mundo.[1]

Hades
Heraklion Archaeological Museum
Si Hades/Serapis kasama ang asong may tatlong ulo na si Cerberus
Diyos ng Mundong Ilalim, at ng mga patay at kayamanan
TirahanAng Mundong Ilalim
SymbolCerberus, cornucopia, sceptre, Cypress, Narcissus, susi
Konsorte (Asawa)Persephone
Mga magulangCronus at Rhea
Mga kapatidPoseidon, Demeter, Hestia, Hera, Zeus
Mga anakMacaria, Melinoe at Zagreus
Katumbas na RomanoDis Pater, Orcus
Si Hades habang nasa Mundong Ilalim.

Bahagi siya ng labindalawang Olimpiyano.[1][2] Si Hades ay itinuturing ang panganay na lalaki nina Kronos at Rhea, bagaman ang huling anak na iniluwa ng kanyang ama. Natalo niya at ng kanyang mga kapatid na lalaking sina Zeus at Poseidon ang henerasyon ng kanilang ama ng mga diyos, ang mga Titan, at inangkin ang pamamahala sa mga kosmo. Natanggap ni Hades ang Mundong Ilalim, si Zeus ang langit, at Poseidon ang dagat, ang lupa——matagal nang lalawigan ni Gaia——lagap sa lahat ng tatlo sabay-sabay. Si Hades ay madalas inilalarawan kasama ang kanyang tatlong-ulong bantay asong si Cerberus at, sa ibang mitolohikal na mga may-akda, nauugnay sa Almete ng Kadiliman at ang bident.

Kasama siya ng mga Olimpiyanong diyos na nakipaglaban laban sa mga Titano, ngunit hindi siya kailanmang nanirahan sa Bundok ng Olimpo.[2]

Nag-aari siya ng isang masalamangkang kalubkob o helmet, na nagiging imbisible kapag isinusuot ito.[1]

Griyegong diyos ng Mundong Ilalim

baguhin

Sa mitolohiyang Griyego, si Hades na diyos ng Mundong Ilalim, ay isang anak na lalaki ng mga Titan na sina Cronus at Rhea. Mayroon siyang tatlong kapatid na babae, si Demeter, si Hestia, at si Hera, pati na rin dalawang kapatid na lalaki, si Zeus, ang bunso sa tatlo, at si Poseidon. Sa pag-abot ng karampatang gulang, napilit ni Zeus ang kanyang amang iluwa ang kanyang mga kapatid. Pagkatapos ng kanilang pagpapakawala, ang anim na nakababatang mga diyos, kasama ang mga kaalyadong natipon nila, hinamon nila ang mga nakatatandang mga diyos para sa kapangyarihan sa Titanomachy, isang banal na digmaan. Ang digmaan ay tumagal ng sampung taon at natapos sa tagumpay ng mga nakababatang mga diyos. Kasunod ng kanilang tagumpay, ayon sa isang iisang sikat na talata sa Iliad (xv.187-93), si Hades at ang kanyang dalawang kapatid na lalaki, sina Poseidon at Zeus, ay tumaya para sa mga kahariang mapapamahalaan. Natanggap ni Zeus ang kalangitan, natanggap ni Poseidon ang mga dagat, at natanggap ni Hades ang Mundong Ilalim, ang hindi nakikitang kaharian na kung saan pumupunta ang kaluluwa ng patay sa pagalis sa mundo, pati na rin ang anuman at lahat ng mga bagay sa ilalim ng lupa.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Hades, Pluto". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 357.
  2. 2.0 2.1 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Hades, Pluto". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 107.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.