Sa pisika, ang pluwido ay maaaring isang likido, gas, o iba pang materyal na may kakayahang dumaloy sa ilalim ng inilapat na shear stress, o panlabas na puwersa.[1] Wala silang shear modulus, o, sa mas simpleng mga termino, ay mga substansya na hindi makalaban sa anumang puwersang shear na inilapat sa kanila.

Maaaring tumutukoy ang salitang "pluwido" sa salitang "likido" pero hindi ito ang kaso. Ang pluwido ay tumutukoy sa kahit anong bagay na may kakayahang daloy, ibig-sabihin ang pluwido ay maaaring tumukoy sa gas, plasma, o likido. Ang likido naman ay tumutukoy sa isang anyo ng materya.[2]

Sa Pisika

baguhin

Ang mga pluwido ay nagpapakita ng mga sumusunod na katangian tulad ng:

  • kakulangan ng paglaban sa permanenteng pagbabagong anyo, lumalaban lamang sa pamamagitan ng ritong relasyon ng pagababago sa isang disipatibo, priksyonal na paraan, at
  • ang kakayahang dumaloy (inilalarawan din bilang ang kakayahang kumuha ng hugis katulad ng sa sariling lalagyan, halimbawa nito ay ang paglalagay ng isang likido sa isang baso o tubo).

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Fluid | Definition, Models, Newtonian Fluids, Non-Newtonian Fluids, & Facts". Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Difference Between Fluid and Liquid". VEDANTU. Nakuha noong 2022-12-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)