Pokémon HeartGold at SoulSilver
Ang Pokémon Bersyong HeartGold[4] at Bersyong SoulSilver[5] (ポケットモンスター ハートゴールド・ソウルシルバー, Poketto Monsutā Hātogōrudo Sōrushirubā) ay mga mas pinagbuting remake ng mga naunang bersyong Pokémon Gold at Silver. Ang dalawang laro nito ay isa sa serye ng mga bidyo game na nakapangalan sa prangkisa ng Pokémon. Ito ay ginawa at pinainam ng Game Freak para sa konsolang Nintendo DS. Ang mga ito ay unang ibinenta sa Hapon noong 12 Setyembre 2009, kasunod sa Hilagang Amerika, Europa at Australya noong Marso 2010.
Pokémon HeartGold at SoulSilver | |
---|---|
Naglathala | Game Freak |
Nag-imprenta | Nintendo, The Pokémon Company |
Direktor | |
Prodyuser | |
Musika | Junichi Masuda Go Ichinose Hitomi Sato Shota Kageyama Takuto Kitsuta |
Serye | Pokémon series |
Engine | Heavily modified Pokémon Platinum engine |
Plataporma | Nintendo DS |
Dyanra | Console role-playing game |
Ang pagtanggap ng madla sa laro ay lubhang positibo, kung saan ang dalawang ito ang nakakuha ng pinakamataas na puntos mula sa Metacritic. Itong dalawa rin ang may pinakamaraming naibenta sa lahat ng laro ng Pokémon na nakapagbili ng 8.4 milyong yunit noong 6 Mayo 2010.
Buod
baguhinAng Pokémon HeartGold at Pokémon SoulSilver ay naganap sa bungang-isip ng rehiyon ng Johto. Ang kilalang protagonista sa laro ay isang batang trainer na naninirahan sa New Bark Town. Sa umpisa ng laro, ang manlalaro ay maaaring pumili ng isa sa tatlong starter Pokémon (panimulang Pokémon) ng rehiyong Johto: maaaring si Chikorita, Cyndaquil o Totodile. Matapos ang isang misyon sa kanyang kaibigan, aatasan ni Propesor Elm ng New Bark Town ang manlalaro na habulin at kunin ang ninakaw na isang Pokémon sa kanya.
Bagamat ang orihinal na disenyo ay ang paghabol sa haharaping kalaban ng manlalaro, iikot ito sa pangarap ng pangunahing tauhan na maging isang magaling na Pokémon trainer. Ito ay maaaring gawin sa maayos na pagpapalaki sa alagang Pokémon, paghuli ng iba pang Pokémon, pakikipaglaban sa mga Gym Leader at marami pang iba. Sa umpisa kailangang malabanan ng manlalaro ang walong Gym Leader ng rehiyon ng Johto upang makamit ang walong tsapa ng walong Pokémon Gym ng rehiyon. Dahil dito, ito ang magiging pangunahing kailangan upang malabanan at matalo ng mismong manlalaro ang Elite Four ng Pokémon Indigo League.
Matapos ang pagtalo sa apat na pinakamagagaling na trainer sa Johto, biglang bubukas ang isang lagusan sa Victory Road upang madaanan ng manlalaro ang bagong paglalakbay: ang rehiyon ng Kanto na siyang naging lugar din ng mga bersyong Pokémon Red, Blue, FireRed, at LeafGreen. Kapag natalo ng manlalaro ang walong Gym Leader ng Kanto, maaari niyang makaharap si Red, ang dating Pokémon champion noong panahon ng FireRed at LeafGreen.
Minsan makakaharap din ng manlalaro ang Team Rocket, isang sindikato sa mga laro at palabas ng Pokémon na may layuning palakasin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagdukot sa lahat ng maalamat na Pokémon. Ang Team Rocket ay nangangarap na muli silang mabuo pagkatapos ng pagkatalo ng kanilang pinuno na si Giovanni kay Red noong FireRed at LeafGreen.
Mga lokasyon sa laro
baguhinRehiyon ng Johto
baguhin- Azalea Town
- Blackthorn City
- Battle Frontier
- Bell Tower
- Burned Tower
- Cherrygrove City
- Cianwood City
- Dark Cave
- Ecruteak City
- Embedded Tower
- Goldenrod City
- Ice Path
- Ilex Forest
- Lake of Rage
- Mahogany Town
- Mt. Mortar
- Mt. Silver
- National Park/Pokéathlon Dome/Bug-Catching Contest Venue
- New Bark Town
- Olivine City
- Olivine Lighthouse
- Ruins of Alph
- Safari Zone
- Sinjoh Ruins (pang-event lamang)
- Tohjo Falls
- Union Cave
- Violet City
- Whirl Islands
Rehiyon ng Kanto
baguhin- Celadon City
- Cerulean Cave
- Cerulean City
- Cinnabar Island
- Diglett's Cave
- Fuchsia City
- Indigo Plateau
- Lavender Town
- Mt. Moon
- Pal Park
- Pallet Town
- Pewter City
- Power Plant
- Rock Tunnel
- Saffron City
- Seafoam Islands
- Vermilion City
- Victory Road
- Viridian City
- Viridian Forest
Mga eksklusibo sa bawat bersyon
baguhin- Hindi katulad ng pinagmulang Pokémon Gold at Silver, tatlo ang gumagalang maalamat (legendary) na Pokémon na batay sa tatlong aso (Three Canine Legendaries): si Suicune (na maaaring makalaban ng manlalaro ng harapan sa Cerulean City); si Entei at Raikou na parehong gumagala sa Johto. Noong panahon ng Gold at Silver, iisa lamang sa tatlong asong ito ang maaaring mahuli ng manlalaro: na nakadepende sa uri ng starter Pokémon na pinili niya.
- Halos magkapareho ang HeartGold (HG) at SoulSilver (SS) sa paraang kung paano nito mapapatakbo ang laro. Nagkaiba lamang sila sa pagkakaroon ng mga maalamat na Pokémon:
- Ho-Oh at Lugia: Maaaring mahuli ang dalawang ito ngunit mas mauunang mahuli si Ho-Oh kung HeartGold ang bersyon ng nilalaro, samantalang mauunang mahuli naman si Lugia sa SoulSilver. Kinakailangan ding mahuli o matalo ng manlalaro ang dalawang maalamat na Pokémon na ito bago siya makapaglakbay sa pier ng Olivine City sa Johto patungo sa Vermilion City sa Kanto.
- Lati@s: Ang maalamat na kambal na Pokémon na sina Latios at Latias ay depende rin sa bersyong nilalaro. Halimbawa, sa HeartGold, maaari lamang makitang gumagala si Latias, habang si Latios naman sa SoulSilver. Ang isa sa kanila na hindi nakuha sa laro ay maaaring matamo sa isang event ng Nintendo.
- Groudon at Kyogre: Matapos na matalo si Red, maaaring makuha ng manlalaro ang dalawang maalamat na Pokémon mula sa Pokémon Emerald: Kyogre ang maaaring mahuli kung sa HeartGold at Groudon naman sa SoulSilver. Kailangang mapagsama ang dalawang ito buhat sa parehong bersyon upang makuha ang pangatlong maalamat ng Emerald, si Rayquaza.
- Mga ibang Pokémon na sa bawat isa lamang makikita.
Mga event ng Nintendo
baguhin- Arceus - isang lehitimong Arceus, ang diyos na Pokémon ang kinakailangang mailipat mula sa Pokémon Diamond, Pearl o Platinum upang makakuha ng itlog ng Giratina, Palkia o Dialga sa Sinjoh Ruins ng Johto.
- Pichu na kakulay ng Pikachu (Pikachu Colored Pichu) - kailangan ito upang magkaroon ng ispesyal na Pokémon, isang spikey-eared Pichu na lumitaw sa pelikulang Arceus and the Jewel of Life.
- Jirachi - isang Jirachi na mula sa event upang mabuksan ang lugar na tinatawag na Night's Sky Edge sa PokéWalker. Dito ay katulad ng isang paglalakbay sa nakaraan.
- Celebi - isang Celebi na mula sa event upang muling malabanan si Giovanni (hindi normal na makakatagpo ng manlalaro sa HG at SS dahil sa natalo na siya noong FireRed at LeafGreen) sa Tohjo Falls at makita ang nangyayari nang kubkubin ng Team Rocket ang Goldenrod City Radio Tower.
- Yellow Forest - isang kagubatan sa PokéWalker na punung-puno ng Pikachu.
- Winner's Path - isang lugar sa PokéWalker kung saan maaaring makatagpo ng bibihirang Pokémon gaya ng Munchlax, Duskull, at Kingdra.
- Ika-Sampung Anibersaryong Mew - isang Mew na ipinamamahagi ng Nintendo bilang bahagi ng ika-10 taong anibersaryo ng prankisang Pokémon.
- Batong Enigma - batong ibibigay ni Steven Stone, dating Pokémon champion ng Hoenn (Sapphire at Ruby). Ginagamit ito sa Pewter City upang palabasin ang isang Lati@s na wala sa bersyon na nilalaro.
- Scizor - isang ispesyal na Pokémon na bahagi ng promosyon ng ika-13 pelikula ng Pokémon, ang Phantom Ruler Zoroark.
- Pikachu ni Ash - ang Pikachu ni Ash Ketchum, ang bida sa palabas na animé, ay katulad din ng Scizor na promosyon para sa ika-13 pelikula.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Nintendo unveils its video game lineup for early 2010". Nintendo Canada. 2009-12-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-25. Nakuha noong 2009-12-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pokémon HeartGold Version and Pokémon SoulSilver Version release date announced!". Nintendo of Australia. 2010-01-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-16. Nakuha noong 2010-01-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "News: Pokémon HeartGold/SoulSilver UK release date revealed". Official Nintendo Magazine. 2010-01-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-15. Nakuha noong 2010-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pokémon PusongGinto
- ↑ Pokémon KaluluwangPilak
Sinundan: Platinum 2008JAP, 2009NA |
2009JAP, 2010NA | Susunod: Black at White 2010JAP, Q2 2011NA |