Pokémon Ruby at Sapphire

2002 na larong bidyo

Ang Pokémon Bersyong Ruby[a] at Bersyong Sapphire[b] ay ang ikatlong laro ng matagumpay na larong bidyo na Pokémon. Ito ay nilikha at ginawa ng Game Freak at inilathala ng Nintendo para sa konsolang Game Boy Advance. Ang dalawang larong ito ay unang inilabas sa Hapon noong katapusan ng 2002 at nilabas din sa Hilagang Amerika, Australya at Europa noong 2003. Ang mas pinag-inam na bersyon ng dalawang ito, ang Pokémon Emerald, ay inilabas noong 2004. Ang mga larong Pokémon Ruby, Pokémon Sapphire, Pokémon Emerald, Pokémon FireRed at LeafGreen ay ang mga larong bidyo ng Pokémon na bumubuo sa tinatawag na seryeng advanced generation.

Pokémon Ruby at Sapphire
Pang-Hilagang Amerikang pabalot sa Pokémon Sapphire.
NaglathalaGame Freak
Nag-imprentaNintendo, The Pokémon Company
Direktor
  • Junichi Masuda Edit this on Wikidata
DisenyoSatoshi Tajiri (executive producer)
Junichi Masuda (director)
GumuhitKen Sugimori
MusikaGo Ichinose
Morikazu Aoki
Junichi Masuda
Hiroko Takano
SeryePokémon series
PlatapormaGame Boy Advance
DyanraConsole role-playing game
ModeSingle-player, multiplayer
Ipinapakita ang Pokédex, isang interaktibong talaan ng mga Pokémon na ginagamit ng manlalaro upang mahanap o mabigyan ng paglalarawan ang bawat Pokémon na makakatagpo niya. Nasa larawan ay ang Pokémon na si Pikachu, at sinasabi kung anong katangian ng nilalang na ito.

Ang paraan ng paglalaro ng Pokémon Ruby at Sapphire (RS) ay katulad din ng mas naunang henerasyon kung saan nakasilip sa perspektibong overhead ang manlalaro. Katulad din ng mga naunang bersyon, ang layunin sa laro ay mahuli ang lahat ng Pokémon sa kinabibilangang rehiyon at matalo ang Elite Four ng mismong rehiyon, kung saan maaaring tanghalin bilang Pokémon Champion ang manlalaro. Narito din ang pagpasok ng mga kriminal na sindikato kung saan ay dapat na talunin sila ng manlalaro upang maipagpatuloy ang kuwento. Nadagdag naman sa mga bagong katangian ng dalawang bersyon ang double battle at mga mas bagong abilidad ng mga Pokémon.

Mga tala

baguhin
  1. Pokémon Rubi sa Tagalog, ポケットモンスター ルビー (translit. Poketto Monsutā Rubī) sa Hapon na ibig sabihin sa Ingles ay Pocket Monsters: Ruby
  2. Pokémon Sapiro sa Tagalog, ポケットモンスター ルビー・サファイア (translit. Poketto Monsutā Rubī Safaia) sa Hapon na ibig sabihin sa Ingles ay Pocket Monsters: Sapphire

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Pokemon Ruby Version for Game Boy". GameSpot. Nakuha noong 2009-06-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Pokémon Crystal
2000JAP, 2001NA
2002JAP, 2003NA Susunod:
Pokémon FireRed at LeafGreen
2004JAP, 2004NA