Polimorpismo (biyolohiya)
Sa biyolohiya, ang polimorpismo ay nangyayari kapag ang dalawa o higit pang mga maliwanag na magkaibang mga phenotype ay umiiral sa parehong populasyon ng isang species o sa ibang salita ay higit sa isang anyo o morph nito. Upang mauring gayon, ang mga morph ay dapat nakatira sa parehong habitat sa parehong panahon at kabilang sa isang populasyong panmiktiko. Ang katagang polimorpismo ay ginagamit ng mga biyologong molekular upang ilarawan ang ilang mga puntong mutasyon sa genotype gaya ng mga SNP.
Ang polimorpismo ay karaniwan sa kalikasan at nauugnay sa biyodibersidad, bariasyon o pagkakaibang henetiko at pag-aangkop. Ito ay nagsisilbing magpanatili ng pagkakaiba ng anyo sa isang populasyong nakatira sa magkaibang kapaligiran. Sa polimorpismong henetiko, ang kabuuang henetiko ay tumutukoy sa morph.
Ayon sa ebolusyon, ang polimorpismo ay nagreresulta mula sa mga prosesong ebolusyonaryo gaya ng anumang aspeto ng isang species. Ito ay namamana at binabago ng natural na seleksiyon.