Politika ng Berlin
Ang Berlin ay isang lungsod-estado at ang kabesera ng Republika Federal ng Alemanya.
Kabeserang lungsod
baguhinAng Berlin ay ang kabesera ng Republika Federal ng Alemanya. Ang Pangulo ng Alemanya, na ang mga tungkulin ay pangunahing seremonyal sa ilalim ng konstitusyong Aleman, ay may opisyal na tirahan sa Schloss Bellevue.[1] Ang Berlin ay ang luklukan ng ehekutibong Aleman, na matatagpuan sa Kansilyeriya, ang Bundeskanzleramt .
Lungsod-estado
baguhinMula noong muling pag-iisang Aleman noong Oktubre 3, 1990, ang Berlin ay isa sa tatlong lungsod-estado (kasama ang Hamburgo at Bremen) sa 16 na estado ng Alemanya. Ang parlamento ng lungsod at estado ay ang Kapulungan ng mga Kinatawan, (Abgeordnetenhaus), na may 141 na luklukan. Ang ehekutibong kinatawan ng Berlin ay ang Senado ng Berlin (Senat von Berlin). Ang Senado ay binubuo ng Namamahalang Alkalde (Regierender Bürgermeister) at hanggang walong senador na may mga ministeryong posisyon (isa ang may hawak ng opisyal na titulong "Alkalde" (Bürgermeister) bilang kinatawan ng Namamahalang Alkalde). Hawak ng Partido Sosyo-demokratiko (SPD) at Ang Kaliwa (Die Linke) ang pamahalaang lungsod pagkatapos ng halalan ng estado noong 2001, na nanalo ng isa pang termino sa halalan ng estado noong 2006.[2] Ang halalan ng estado noong 2011 ay lumikha ng isang koalisyon ng Partido Sosyo-demokratiko at ng Unyong Kristiyano-demokratiko.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Bundespräsident Horst Köhler" (sa wikang Aleman). Bundespraesident.de. Nakuha noong 7 Abril 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Berlin state election, 2006" (PDF). Der Landeswahlleiter für Berlin (sa wikang Aleman). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 Marso 2012. Nakuha noong 17 Agosto 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)