Timog Polo
(Idinirekta mula sa Polong timog)
Ang Polong Timog, kilala din sa tawag na Heograpikong Polong Timog o Panlupang Polong Timog, ay isa sa dalawang punto kung saan sumasalikop ang aksis ng pag-ikot ng Daigdig sa ibabaw nito. Ito ang pinakatimog na punto sa ibabaw ng Daigdig at matatagpuan sa kabaligtaran bahagi ng Daigdig mula sa Hilagang Polo. Nakalagay sa lupalop ng Antartika, sityo ito ng Himpilan ng Amundsen-Scott ng Polong Timog ng Estados Unidos, na itinatag noong 1956 at palagiang may mga trabahador simula noong taong iyon. Hindi dapat ipagkamali ang Heograpikong Polong Timog sa Timog Magnetikong Polo.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.