Mabukol na karamdaman ng bato

(Idinirekta mula sa Polycystic kidney disease)

Ang polisistikong karamdaman ng bato, bukul-bukol na sakit ng bato, o mabukol na karamdaman ng bato (PKD o PCKD sa pagdadaglat sa Ingles ng polycystic kidney disease). Kilala rin ito bilang polisistikong sindroma ng bato (mula sa polycystic kidney syndrome) ay isang henetikong sakit o kapansanang sistiko o mabukol ng mga bato.[1] Nagaganap ito sa mga tao at iba pang mga hayop. Katangian ng sakit na ito ang pagkakaroon ng maraming mga bukol sa magkabilang mga bato, kaya't tinatawag na "polycystic" o polisistiko ("maraming bukol"). Napakarami ng mga bukol at naglalaman ng pluwidong sanhi ng malakihang pamamaga ng mga bato. Lumilikha ang karamdamang ito ng buwig o kumpol ng mahahapding mga bukol sa bato. Pagkaraan lumalaki o namamaga ang mga bato na kasinlaki ng bolang pangputbol, na hahantong paglaon sa hindi na paggana ng mga bato.[2] Nakapipinsala rin ang karamdamang ito sa atay, pankreas, at  – bagaman bihira  – maging sa puso at utak. Napagkakaiba ang dalawang pangunahing anyo o uri ng polisistikong karamdaman sa bato sa pamamagitan ng kanilang mga padron o gawi sa pagkakamana.

Anyo ng mabukol na karamdaman sa mga bato.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Polycystic kidney disease sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)
  2. The Christophers (2004). "Polycystic kidney disease, Let's Find a Cure". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Setyembre 16.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.