Pondong tulungan
Ang pondong tulungan (Ingles: mutual fund) ay tumutukoy sa isang uri ng kolektibong pamumuhunan na ipinapagsama ang salapi ng iba’t ibang mga mamumuhunan at nilalagay ang kanilang puhanang salapi sa mga stock, bond, pangmadaliang instrumentong pampamilihang pansalapi, at/o iba pang mga seguridad.[1] Sa isang pondong tulungan, kinakalakal ng tagapamahala ng pondo ang mga batayang seguridad ng pondo, pinapangasiwa niya ang mga kita o lugi ng kapital, at kinokolekta niya ang tubo. Pinapasa naman pagkatapos ang kita sa mga indibiduwal na namumuhunan. Ang halaga ng isang share ng pondong tulungan, kilala bilang ang net asset value sa bawat isang share (NAV), ay tinatantya batay sa kabuuang halaga ng pondo na hinati-hati sa bilang ng mga share na kasalukuyang iniisyu at nananatili. Kung ang NAVPS ay tuluyang lumago o may appreciation o nagkahalaga, maaaring ibenta ang mga share upang maging ganap ang kita o realized profit. Sa kabilang banda, kapag bumaba ang NAVPS o may depreciation o pagmumura, maaaring malugi sakaling subuking tubusin ang kapital.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "US SEC answers on Mutual Funds". U.S. Securities and Exchange Commission (SEC). Nakuha noong Abril 11, 2006.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Iba't ibang Uri ng Mutual Funds". iMillennial | Financial Literacy for Young Filipinos. Nakuha noong Hunyo 26, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]