Pook na rural
Sa pangkalahatan, ang pook na rural o lugar na rural (Ingles: rural area) ay isang pook na pangheograpiya na nasa labas ng mga lungsod at mga kabayanan.[1] Nasasaklawan nito ang lahat ng mga populasyon, pabahay o kabahayan, at teritoryong hindi kasali sa loob ng isang pook na urbano. Ang anumang pook na hindi urbano ay itinuturing bilang rural,[2] pati na ang mga pook na hindi tinatawag na bayan o lungsod ay rural din. Sa kadalasan, ang mga ito ay mga pook na pampagsasaka at pang-agrikultura. Ang mga pook na ito ay paminsan-minsang tinatawag bilang "nayon o kanayunan, na katumbas ng Ingles na "the country" (hindi iyong "bansa") o "countryside". Ang mga taong naninirahan sa kanayunan ay kadalasang nakatira sa maliliit na mga baryo o baranggay, subalit maaari rin silang manirahan sa ibang lugar kung saan walang kalapit na mga kabahayan.
Ang rural ay ang kabaligtaran ng urbano na nangangahulugang mga lugar na katulad ng kalungsuran, kung saan magkakalapit ang mga gusali at mga lugar na pinagtatrabahuhan at tinitirahan ng mga tao. Maraming mga tao na naninirahan sa mga lungsod ang nagpupunta sa kanayunan upang mamahinga o magkaroon ng relaksasyon. Pumupunta sila sa nayon upang magkaranas ng rekreasyon, na kadalasan ay tuwing bakasyon nila, katulad ng araw ng pistang opisyal. Sa Estados Unidos, ang katagang "pook na rural" ay teknikal na inilalarawan bilang isang lugar na mayroong mas mababa kaysa 500 kataong naninirahan sa bawat milya kuwadrado.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ rural area, wordnetweb.princeton.edu
- ↑ rural, hrsa.gov
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.