Ang PopCap games ay isang Amerikanong video game developer at publisher na nakabase sa Seattle, at isang subsidaryo ng Electronic Arts.[3] Ito ay binuo noong 2000 nina John Vechey, Brian Fiete at Jason Kapalka at sa kasalukuyan ay may 400 na kataong nagtratrabaho dito. Karamihan sa mga laro ng PopCap ay malalaro ng libre sa limitadong oras o buong bersyon.

PopCap Games, Inc.
Kilala datiSexy Action Cool (2000)
UriSangay
IndustriyaVideo games
Itinatag2000; 24 taon ang nakalipas (2000)
Nagtatags
Punong-tanggapan,
U.S.
Pangunahing tauhan
Matt Nutt (general manager)[1]
ProduktoList of games
Dami ng empleyado
~400[2] (2010)
MagulangElectronic Arts (2011–present)
Dibisyon
  • PopCap Vancouver
  • PopCap Shanghai
  • PopCap Hyderabad
  • PopCap Singapore
  • PopCap Sydney
  • PopCap Seoul
Websiteea.com/studios/popcap

Ang Bejeweled ay bumenta ng mahigit 50 milyong units sa lahat ng mga pangunahing flatform. Ang PopCap Games ay magagamit sa Web, PC at Mac, Nintendo DS, Nintendo DSi, Wii, Xbox, Xbox 360, PlayStation 3, Zeebo, Cell Phones, PDAs, iPod Classic, iPhone, iPod Touch at iPad maging sa ibang mobile devices at noong Hunyo 2010, kanilang inanunsiyo na gagawa na rin sila ng laro para sa Android Operating System.

Kasaysayan

baguhin

2000-Hulyo 2007: Orihinal na mga laro

baguhin

Itinayo ang PopCap games noong 2010 at gusto nilang makalikha ng mga laro sa pamamagitan ng pagtuklas mula sa ibang internet gaming sites. Ang kanilang unang laro na Bejeweled, isang huge-hit gem-swapping game,ay suportado ng lahat ng pangunahing flatforms at nakatanggap ng patimpalak mula sa Computer Gaming World Hall of Fame noong 2002. Lumawak ang kompanya noong 2005 sa pagkuha ng Sprout Games, isang Seattle-based casual game developer na kompanya na kagaya ng PopCap, ito ay itinayo ni James Gwertzman.Ang Sprout Games ang lumikha sa laro na Feeding Frenzy. Lumipat sa Seattle and Sprout team at tinulungan ang Popcap na makalikha ng kasunod na laro, ang Feeding Frenzy 2. Si Gwertzman ang Director of Business Development sa Popcap.

Noong 2006,binuksan ang Popcap International na nakabase sa Dublin,Ireland. Ito ang nagtratrabaho para sa lokalisasyon ng produkto,paggawa ng mga mobile games, marketing, sales at business development.

22 Agosto 2006,inanunsiyo ng Valve Softwatre’s Website na ang PopCap games ay nakipagsunduan sa kanila upang sila ang magpalaganap ng mga laro sa pamamagitan ng Valve’s Steam content delivery system. Mula noong 30 Agosto 2006,17 na produkto ng PopCap ang magagamit sa pamamagitan ng Steam.Lahat ng mga laro na ito ay pwedeng magamit sa free trial period at pwede rin mabili.

Hulyo 2007-hangang sa kasalukuyan :Distribusyon ng mga Casual na Laro Ang Popcap ay nagsimula uli ng panibagong paglaganap noong Hulyo 2007 sa pagbili ng ibang casual game developers kabilang na ang lumikha sa isang online consumer portal, ang SpinTop Games. Isang linggo lamang bago nakuha ng kompanya ang Chicago-based development house Retro64, na itinayo ni Mike Boeh, na kilala sa kanilang retro-arcade action and puzzle na titulo.

Pagkatapos ng mga ito, napalitan ang Logo ng PopCap Games, tinanggal ang “Games”. Ang listahan ng mga laro ng PopCap ay nasa kanilang website kasama ang ibang laro mula sa ibang developers.

Mga Laro [4]

baguhin

Karamihan sa mga laro ang gumagana meron man o walang hardware acceleration at kadalasang makokontrol sa pamamagitan ng mouse.

Bejeweled

baguhin

Ang Bejeweled ay isang serye tile-matching puzzle video games na nilikha ng PopCap Games. Ang Bejeweled ay unang pinalabas para sa browsers noong 2001, na sinundan ng limang sequels: Bejeweled 2 (2004), Bejeweled Twist (2008), Bejeweled Blitz (2009), Bejeweled 3 (2010), Bejeweled Stars (2016) at marami pa, lahat ay gawa ng PopCap Games at ng magulang nito, ang Electronic Arts.

Plants vs Zombies

baguhin

Ang Plants vs. Zombies ay isang tower defense at strategy video game na ginawa at nilimbag ng PopCap Games para sa Windows at OS X noong May 2009, at ported sa mga consoles, handhelds, mobile devices, at remastered versions para sa personal computers.

Peggle

baguhin

Peggle ay isang serye ng casual puzzle video games na nilikha ng PopCap Games. Peggle ay unang pinlabas para sa desktop noong 2007, na sinundan ng tatlo pang sequels: Peggle Nights (2008), Peggle 2 (2013), and Peggle Blast (2014).

Awards

baguhin

Ayon sa opisyal na website ng kompanya, nanalo na ang PopCap ng 25 industry awards gaya ng Computer Gaming World Hall of Fame para sa Bejeweled.

Musika

baguhin

Ang mga laro ay kadalasang gumagamit ng tracker na musika bilang soundtracks,mga sinulat ng miyembro ng Future Crew na sina Jonne Valtonen at Peter Hajba.May dalawang eksepsiyon,ang Talismania at Peggle.

PopCap Games Framework

baguhin

Ang PopCap Games Framework(ang opisyal na Pangalan ay SexyApp Framework)ay ang tawag sa computer game development kit para sa C++,na ipinamahagi ng PopCap Games.Ito ay dinisensiyo para madali at mabilis na magawa ng mga programmers ang “PopCap-style” na laro.Ito ay parte ng kanilang developer program na nanghihikayat ng mga game creators na maiprisenta ang kanilang mga natapos na laro sa pamamagitan ng PopCap Games.Gumagana lamang ang framework sa Windows flatform pero may mga ibang laro na gumagana din sa Mac sa pamamagitan ng mga konbersyon.

Meron na ring gumagawa ng paraan para ito ay gumana sa Linux. Gaya ng ginagawa ng TuxCap.

Natapos ng PopCap ang kanilang developer program noong 27 Hulyo 2009.

  1. Brightman, James (Mayo 2, 2017). "PopCap Seattle getting downsized". GamesIndustry.biz. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 18, 2019. Nakuha noong Nobyembre 11, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Crecente, Brian (Enero 1, 2011). "Ten Years of PopCap Games". Kotaku. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 12, 2018. Nakuha noong Nobyembre 11, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://www.ea.com/ea-studios/popcap/about
  4. https://www.ea.com/ea-studios/popcap/games