Papa Pedro II ng Alehandriya

(Idinirekta mula sa Pope Peter II of Alexandria)

Si Papa Pedro II ng Alexandria ang ika-21 Papa ng Alexandria sa pagitan ng 373 CE at 380 CE. Siya ay alagad ni Athanasius na nagtakdang sa kanyang kahalili nito bago ang kanyang kamatayan noong 373 CE. Siya ay inaalala sa Koptikong Synaxarion sa ika-20 araw ng Amshir na araw ng kanyang kamatayan.[1] Siya ay isang masigasig na kalaban ng Arianismo[2] at sa sandaling pagkatapos ng kanyang konsagrasyon, ang prepektong Palladius sa utos ng Emperador Valens ay nagpatalsik sa kanya sa siyudad at inilagay ang obispong Arian na si Lucius ng Alexandria. Nakahanap ng kublihan si Pedro II sa Roma kung saan ay tinanggap siya ng obispo ng Roma na si Papa Damaso I at nagbigay suporta sa kanya laban sa mga Ariano. Noong 373 CE, si Pedro II ay bumalik sa Alexandria, Ehipto kung saan si Lucious ay sumuko sa takot ng mga mamamayan.

Mga sanggunian

baguhin