Ang portero o bantay sa pinto (Ingles: doorman sa Estados Unidos, o kaya porter kung sa Nagkakaisang Kaharian) ay isang taong nangangasiwa sa pintuan ng isang hotel, bahay, o iba pang gusali.[1] Isa itong indibiduwal na binabayaran upang magtrabahong tagapagbigay-galang at mga serbisyong pangseguridad sa isang gusaling tirahan o hotel. Partikular na karaniwan ang mga porterong pangpinto o porterong pampintuan sa matataas na mga gusaling pangluho at panglungsod. Sa isang gusaling pamahayan (residential), ang portero ang may pananagutan sa pagbubukas ng mga pintuan at pagsusuri ng mga mga panauhan at tinatanggap na mga padalang mga bagay, katulad ng mga sulat at mga kahong pangkoreo. Malimit siyang nagbibigay ng iba pang mga paglilingkod na pangkortesiya katulad ng paglagda para sa mga pakete o parsela, pagbubuhat ng mga bagahe sa pagitan ng asensor at ng kalye, o pagtawag ng taksi para sa mga nakatira sa gusali o para sa mga bisita. Sa Lungsod ng Bagong York, mayroong unyong panghanapbuhay ang mga portero at mga operador ng alsador. Huli silang nagsagawa ng pagwewelga noong 1991, at halos muntik nang hindi napigilan ang isa pa noong 2006.

Mga portero o bantay sa pinto ng isang hotel sa Londres.

Kasaysayan

baguhin

Maipepetsa ang pagkakaroon ng ganitong propesyon mula pa noong panahon ni Plautus sa ilalimng Republikang Romano, kung saan tinatawag ang portero bilang isang iānitor (mula sa iānua, "pinto", ang pinag-ugatan ng mga salitang Ingles na January [Enero] at janitor).

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Doorman, portero; porter, bantay sa pinto - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Mga kawing panlabas

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Trabaho ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.