Enero

(Idinirekta mula sa January)
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31  

Ang Enero ay ang unang araw ng taon sa sa kalendaryong Gregoryano at Juliyano at ang una sa pitong buwan na may habang 31 araw. Kilala ang unang araw ng buwan bilang ang Araw ng Bagong Taon. Ito ang, sa katamtaman, ang pinakamalamig na buwan ng taon sa karamihan sa Hilagang Emisperyo (kung saan ito ang ikalawang buwan ng tagniyebe) at ang pinakamainit na buwan ng taon sa Timog Emisperyo (kung saan ito ang ikalawang buwan ng tag-araw). Sa Timog Emisperyo, ang Enero ay ang katumbas na panahon ng Hulyo sa Hilagang Emisperyo at ang kabaligtaran nito sa isa't isa.

Kasaysayan

baguhin
 
Adorasyon ng Mago, Epipanya, Enero 6
 
Enero, mula sa Très Riches Heures du Duc de Berry

Hinango ng Tagalog ang "Enero" mula sa Kastila na "Enero" na mula sa medyebal na Kastilang "janero" na mula bulgar na Latin na jānuāirō. Sa orihinal na Latin, Ianuarius ang Enero na ipinangalan kay Jano, ang diyos ng mga simula at mga transisyon sa mitolohiyang Romano.[1]

Sa tradisyon, binubuo ang orihinal na kalendaryong Romano ng 10 buwan na may kabuuang 304 araw, na tinuturing ang tagniyebe bilang panahon na walang buwan. Noong mga 713 BC, ang semi-mitikong kahalili ni Romulus, si Haring Numa Pompilio, ay diumanong dinagdag ang mga buwan ng Enero at Pebrero, upang masasakop ng kalendaryo ang pamantayang taon na lunar (354 araw). Bagaman Marso ang orihinal na unang buwan sa lumang kalendaryong Romano, naging Enero ang unang buwan ng taon sa kalendaryo alinman dahil sa ilalim ni Numa o sa ilalim ng Desenbirato noong mga 450 BC (magkakaiba ang mga manunulat na Romano).

Mga simbolo

baguhin
 
Niyebe sa Hilagang Emisperyo sa buwan ng Enero
 
batong-hiyas na granate
 
Bulaklak na snowdrop (Galanthus)

Granate ang birthstone o batong-kapanganakan ng Enero, na kinakatawan ang katatagan.[2] Ang bulaklak-kapanganakan ay ang kulay rosas na Dianthus caryophyllus, galanthus o tradisyunal na klabel.[3][4] Ang mga senyas ng sodyak ay Capricornio (hanggang Enero 19) at Acuario (Enero 20 pataas).

Mga pagdiriwang

baguhin

Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang.

Buong buwan

baguhin

Nakapirmi

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Why does the year start on January 1" (sa wikang Ingles). Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Setyembre 2019. Nakuha noong 6 Setyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Stevans, C. M.; Daniels, Cora Linn (2003). Encyclopædia of superstitions, folklore, and the occult sciences of the world : a comprehensive library of human belief and practice in the mysteries of life (sa wikang Ingles). Honolulu: University Press of the Pacific. p. 744. ISBN 9781410209153. Nakuha noong 30 Disyembre 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "January Birth Flower : Flower Meaning". birthflowersguide.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "January Birth Flowers" (sa wikang Ingles).
  5. "January National Codependency Awareness Month". Diane Jellen (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga buwan at araw ng taon
Enero 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Pebrero   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Marso 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Abril   1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Mayo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Hunyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Hulyo 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Agosto 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Setyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Oktubre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31
Nobyembre 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30
Disyembre     1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31