Posil

(Idinirekta mula sa Posilisado)

Ang mga posil (Ingles: fossil), labing-bakas, labimbakas o kusilba ay ang mga nananatili o natinggal na mga labi o bakas ng mga hayop, halaman, at ibang mga organismo mula sa malayong nakaraan. Tinatawag din itong mga nagbatong buto.[1] Nagmula ang katawagang fossil sa Ingles mula sa fossus ng Latin na nangangahulugang "nahukay." "Tala ng mga kusilba" o "rekord ng mga nagbatong buto (posil)" ang taguri sa kabuoan ng mga kusilba, kapwa mga natuklasan at hindi pa natutuklasan, at ang kanilang pagkakalagak sa mga pormasyon ng mga batuhang posilipero o naglalaman ng mga kusilba, at gayon din sa mga patong ng mga batong sedimentaryo. Ilan sa mga pinakamahahalagang mga katungkulan ng agham ng paleyontolohiya ang pag-aaral ng mga kusilba ayon sa mga panapanahon, kung paano sila nabuo, at ang mga kaugnayang pang-ebolusyonaryo sa pagitan ng pilohenetika o piloheniya ng mga takson o taksa (taxon; taxa).

Kusilba ng dinosawrong Tarbosaurus.

Sa karaniwan, sa pagkamatay ng tao, mga hayop, at mga halaman, nagaganap ang pagkaagnas at paggiging lupa nilang muli. Subalit mayroon mga natatanging kalagayan, na "kapag natabunan ng tamang uri ng basang lupa, at hindi nagambala sa loob ng daan-daang taon - ang mga nalulusaw na buto ay napapalitan ng pinong putik na nag-aanyong tulad ng butong pinalitan. Kapag natuyo ang lupa pagkapalit ng putik sa buto, maaaring tumagal ang mga butong naging bato nang milyun-milyong taon." Mula sa hugis at laki ng nakusilbang mga labi o buto, "natatanto ng mga nakatuklas na dalubhasa kung anong hayop, o tao, ang namatay at, higit na mahalaga, nahuhulaan kung kailan nabuhay o namatay" ang mga ito.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Nagbatong buto" (fossil), Ang Unang Tao, Elaput.org

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.