Posisyong misyonero

(Idinirekta mula sa Posisyong misyonaryo)

Ang Posisyong misyonero o Posisyong misyonaryo, literal na Posisyon ng misyonero at Posisyon ng Misyonaryo, ay isang puwestong pangpagtatalik kung saan ang lalaki ay nakapaibabaw sa babae, na karaniwang nilalarawan bilang isang gawaing pangpagtatalik kung saan nakahiga ang babae at ang mga magkatalik ay nakaharap sa isa't isa. Bagaman madalas na isinasagawa at ginagamit ng mga magkakaparehang heteroseksuwal, maaari rin itong gamitin ng mga homoseksuwal na mga magkakapareha.[2]

Ang posisyong misyonaryo, ang pinaka pangkaraniwang ginagamit na posisyong pampagtatalik. Sa larawang ito, isinasagawa ito ng isang lalaki at ng isang babae.[1]
Ang posisyong misyonero na isinasagawa ng dalawang lalaking homoseksuwal. Nagtatalik sila sa pamamagitan ng pagtatalik na pambutas ng puwit.

Ang posisyong misyonero ay isang halimbawa ng kopulasyong nasa harapan at malapit sa tiyan (ventro-ventral sa Ingles).[3] Ang mga baryasyon ng posisyong ito ay nagpapahintulot ng samu't saring mga antas ng kahigpitan ng puke, estimulasyon ng tinggil, lalim ng pagpasok o pagbaon ng titi, partisipasyon o pakikilahok ng babaeng katalik, at pagiging malamang na pagsapit at tulin ng orgasmo o kasukdulan ng pagtatalik.

Ang pangkaraniwang mito ang nagpapahayag na ang katagang "posisyong misyonero" o "posisyong misyonaryo" ay nalikha bilang tugon sa mga misyonero o misyonaryong Kristiyano, na nagturo na ang posisyong ito lamang ang tama at angkop na paraan ng pakikipagtalik. Ang paliwanag na ito ay maaaring nagmula sa Kaasalang Pangpagtatalik sa Lalaking Tao ni Alfred Kinsey sa pamamagitan ng salapong o kompluwensiya ng maling pagkaunawa at maling paliwanag ng mga kasulatang pangkasaysayan.[4][5] Tinatawag ng mga taga-Tuskanya ang posisyong ito bilang "Ang Posisyong Malaanghel" o "Ang Posisyong Pang-anghel" (nangangahulugang "posisyong dalisay at kaaya-aya"), habang tinatawag naman itong "ang gawi ng mga ahas" o "ang nakagawian ng mga serpiyente" ng mga nagsasalita ng wikang Arabe.[6]

Ang posisyong misyonero ay kadalasang mas ninanais ng mga magkatambal na nasisiyahan sa mga kalidad nitong romantiko na ibinibigay ng pagdidikit at pagdadaiti ng kanilang mga balat at ng mga pagkakataon ng pagtitinginan sa mga mata ng bawat isa, pati na ang paghahalikan at pagyapos, at paghagod, paghimas, at paghaplos sa bawat isa. Ang posisyon ay pinaniniwalaan din bilang isang mabuting posisyon para sa paggawa ng anak (reproduksiyon o prokreasyon).[7][8] Sa pagtatalik na heteroseksuwal, ang posisyong misyonero ay nakapagpapahintulot sa lalaki na pangasiwaan ang ritmo at lalim ng pag-indayog, pagtulak, pagdiriin, at pagpasok o pagtusok ng kanyang titi sa puki. Posible ring gumanti ng pagtulak at pagdiin ang babae laban sa indayog ng lalaki sa pamamagitan ng pagpapagalaw ng kanyang balakang o pagtulak ng kanyang mga paa laban sa kama, o kaya ng pagpisil o pagyapos sa lalaki papalapit sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga bisig at binti. Ang posisyong ito ay hindi gaanong angkop para sa huling mga yugto ng pagdadalangtao, o kapag ninanais na ang babae ang magkaroon ng mas malakas na kontrol sa ritmo at lalim ng pagpapasok ng titi.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Missionary Position". Sexual Health Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Oktubre 2007. Nakuha noong 31 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ask Alice: What Exactly is the Missionary Position?". Go Ask Alice! (Columbia University). 1996-05-03. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-09. Nakuha noong 2008-02-03. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Dixson, Alan F. (1998). Primate sexuality: comparative studies of the prosimians, monkeys, apes, and human beings (Oxford University Press; Oxford, England), pahina 113. ISBN 019850182X, ISBN 9780198501824.
  4. "Assuming the missionary position… again". The Straight Dope. Cecil Adams. 2005-06-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Priest, Robert J. (2001). "Missionary Positions: Christian, Modernist, and Postmodernist". Current Anthropology. 42 (1): 29–68. doi:10.1086/318433. PMID 14992209.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lister, Larry. Human Sexuality, Ethnoculture, and Social Work. p. 15.
  7. "Sex Position – Missionary / The Man-On-Top Position". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-11. Nakuha noong 2008-02-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Sexual Positions That Really Works". Journal-a-Day. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-11. Nakuha noong 2008-02-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)