Posisyong pangpagtatalik

(Idinirekta mula sa Puwestong pangpagtatalik)

Ang mga posisyong pangpagtatalik o posturang pangseks ay mga postura o posisyon na maaaring gamitin ng mga tao habang o para sa layunin ng pakikipagtalik o iba pang mga gawaing seksuwal. Ang mga aktong pangseks ay pangkalahatang inilalarawan ng mga pagpuwestong ginagamit ng mga nakikilahok upang maisagawa ang mga gawaing iyon. Bagaman ang interkursong seksuwal ay pangkalahatang kinasasangkutan ng penetrasyon o pagpasok na seksuwal sa katawan ng isang tao sa pamamagitan ng isa pa, o payak na tuwirang estimulasyon ng organong seksuwal ng isa sa pamamagitan ng isa pa, ang posisyong pangseks ay maaaring hindi nangangailangan ng penetrasyon o diretsahang estimulasyon, bagkus sa halip ay maaaring seks na walang penetrasyon.

Misyonaryo, ang pinaka pangkaraniwang ginagamit na posisyong pampagtatalik.[1]

Tatlong mga kategorya ng pagsisiping ang pangkaraniwang isinasagawa: interkursong bahinal (pagtatalik na pangpuke), na kinasasangkutan ng penetrasyon sa pamamagitan ng titi; interkursong oral (pagtatalik na pangbibig), na kinasasangkutan ng paghagod ng titi o kiki sa pamamagitan ng bibig ng katalik; at interkursong anal (pagtatalik na pangpuwit), na kinasasangkutan ng pagpasok ng titi papasok sa butas ng puwit ng kasiping.[2] Ang mga aktong pangseks ay maaari ring kasangkutan ng iba pang mga porma ng estimulasyong pangkasarian, katulad ng isahan o mutwal (nagbibigayan) na masturbasyon, na maaaring kasangkutan ng paghaplos o penetrasyon ng pagpasok ng mga daliri o kamay sa kiki o sa pamamagitan ng isang aparato (laruang pangpagtatalik) katulad ng isang dildo o pambayok (bibrador). Maraming bilang ng mga posisyong pangpagtatalik na maaaring gamitin ng mga nakikilahok para sa anumang uri ng mga gawaing pangseks na ito, na lumilikha ng halos walang hangganang bilang ng mga posisyong pangseks. Bilang dagdag sa iba pa, ang talaang ito ay gumagamit ng anim na pangunahing mga kategoryang pangposisyon ni Alfred Kinsey.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "The Missionary Position". Sexual Health Center. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 20, 2007. Nakuha noong Enero 31, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sexual Intercourse". Discovery Channel. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-22. Nakuha noong 2008-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "6 Positions for Sexual Intercourse". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-12. Nakuha noong 2008-02-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.