Pou (laro)
Ang Pou (/puː/or/poʊ/) ay isang larong bidyo para sa BlackBerry 10, iOS at Android na binuo at inilathala ng isang Lebanese na taga-disenyo na si Paul Salameh, o Zakeh. Ito ay katulad ng Tamagotchi, isang mas lumang laro kung saan pinangangalagaan ang isang kunwa na nilalang. [3]
Pou | |
---|---|
Naglathala | Paul Salameh[1][2] |
Nag-imprenta | Paul Salameh |
Serye | 3 |
Plataporma | Android,[1] iOS,[2] BlackBerry 10 |
Release | 5 Agosto 2012[1] |
Ang Pou ng manlalaro ay maaaring makipag-ugnayan sa ibang Pous sa pamamagitan ng pagbisita sa kanila kapag ang laro ay konektado sa Internet o makipaglaro sa ibang Pou bilang mga kalaban sa ilang minigames. Mayroon itong mga user account upang i-save at i-back up ang estado ng pag-unlad ng laro, kung sakaling mabura ang device. Noong 2014, idinagdag ang suporta para sa maraming wika (ngunit Wikang Filipino ay wala sa listahan). Nawala ang Pou ng ilang araw sa Google Play Store noong unang bahagi ng Disyembre 2019 dahil in-update ng developer ang laro. [4]
Sa tagumpay ng laro, ginaya ito gamit ang pangalang "Mou" sa Windows Phone.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Pou - Android Apps on Google Play". Google Play. 2014-03-16. Nakuha noong 2014-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Pou on the App Store on iTunes". iTunes.apple.com. 2014-03-13. Nakuha noong 2014-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.tecmundo.com.br/como-fazer/43363-como-instalar-e-jogar-o[patay na link] -pou-sucesso-do-android-no-computador.htm
- ↑ https://roonby.com/2019/12/05/pou-is-back/