Power Rangers: Wild Force

Ang Power Rangers: Wild Force (abrebasyon: PRWF, o Wild Force) ay ang ika-sampung prangkisa ng Power Rangers na hango sa mga seryeng Sentai ng Hyakujuu Sentai Gaoranger na ginawa sa ika-25 taon ng Super Sentai.

Power Rangers: Wild Force
UriAction-Adventure
Pinangungunahan ni/ninaRicardo Medina, Jr.
Alyson Kiperman
Phillip Jeanmarie
Jessica Rey
Jack Guzman
Phillip Andrew
Ann Marie Crouch
Ilia Volok
Sin Wong
Danny Wayne Stallcup
Bansang pinagmulanEstados Unidos
Bilang ng kabanata40
Paggawa
ProdyuserJonathan Tzachor
Oras ng pagpapalabas30 minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanFOX (hanggang Agosto 2002), ABC/ABC Family (noong Setyembre 2002)
Orihinal na pagsasapahimpapawid9 Pebrero (2002-02-09) –
16 Nobyembre 2002 (2002-11-16)
Kronolohiya
Sumunod saPower Rangers: Time Force
Sinundan ngPower Rangers: Ninja Storm

Power Rangers: Wild Force ay ginawa noong taong 2002, na ipinagpapatuloy ang tradisyong ng pagkakaroon ng pagsasabuhay sa taong iyon ay pinalabas. Ang unang bahagi ng mga serye ay unang isinahimpapawid mula Pebrero hanggang Setyembre taong 2002 sa Fox Kids ang porsiyong telebisyon na pambata, na sumunod sa pagbili ng Fox Family Worldwide (ngayon ay ABC Family Worldwide), na kasama ang Saban Entertainment (ngayon ay BVS Entertainment) at ang prangkisa nitong Power Rangers, sa Disney ng News Corporation, ang inang kompanya ng Fox, at ni Haim Saban, ngunit inurong ang pagpapalabas sa taglagas sa tinawag ng ABC sa palabas sa Sabado na Disney's One Saturday Morning at kinilala na ring ABC Kids.

Ang Wild Force ang kauna-unahan at tanging serye na sumailalim sa karapatang-sipi ng Disney. Nabili ng Disney ang Power Rangers (pati na rin ang ilang ari-arian ng Saban) pagkatapos ng pagsahimpapawid ng Power Rangers: Time Force. Iyon din ang unang serye, samantala, BVS Entertainment, Inc. at ng BVS International N.V., dahil ang unang apat na kabanata ay may karapatang-sipi ng Disney sa huli. Iyon din ang huling seryeng nilikha sa Estados Unidos. Pagkasunod nitong serye, ang paglikha ng prangkisang Power Rangers ay nailipat sa Nueva Zealanda.

Buod ng Istorya

baguhin

Sinusundan ng serye ang pakikipagsapalaran ni Cole Evans, na kasama ng isang tribo sa kagubatan ng maraming taon, habang sinusubukan niyang hanapin ang kanyang kapalaran sa lungsod ng Turtle Cove. Hanggang sa nakita niya ang Animarium, ang lugar na na pinaniniwalaan ng karamihan na isang pawang kuwentong pangkathang-isip. At sumama siya sa ibang apat na may parehong patutunguhan upang maging pinuno ng Wild Force.

Ang Animarium ay isang pulo na nakalutang sa langit. Ang hugis nito ay tulad sa isang pagong. Ito ang naging tahanan ng mga Wild Zords at ni Prinsesa Shayla, punong-tagagabay ng mga Rangers (hindi pa rin malinaw kung paano nakakatawid ang mga Rangers mula sa balat ng kalupaan hanggang sa Animario, ngunit sa isa sa mga huling kabanata, sina Merrick at Kite at nai-teleport sa Animario, kaya marahil ay teleportasyon din ang ginawa ng mga Rangers sa ibang serye).

Ginamit ng mga Rangers ang kapangyarihan upang matalo ang pwersa ng mga Orgs, na pinangungunahan ng isang Master Org. At dahil sadyang malaki ang pagkahumaling ni Cole sa ibang hayop, siya ay nagulantang na matuklasan niyang ang mga orgs ay mga halimaw na walang puso. Habang nagpatuloy ang serye, natagpuan na niya ang katotohanan tungkol sa kanyang mga tunay na magulang: sina Richard at Elizabeth Evans, ay mga propesor sa Pamantasan ng Turtle Cove, kasama ng kanilang matalik na kaibigan na si Viktor Adler. Nang silang tatlo ay ipinadala sa isang kagubatan para sa isang pagsasaliksik, natuklasan nila ang mga labi ng Master Org, na kinain ng nagseselos na si Viktor upang maghiganti kay Richard, na nag-proposa ng kasal kay Elizabeth, bago niya nagawa. Subalit, nawala na nang tuluyan si Adler sa sarili, at pareho niyang napatay sila Richard at Elizabeth. Sa mga sandaling iyon, ang kanilang anak na bagong panganak pa lang na si Cole, ay tinuring ding patay.

Ang taunang kabanatang pagsanib-lakas ay ipinakitang nakipag-kampihan ang Wild Force sa Power Rangers: Time Force upang pigilan ang tatlong Mutant Orgs (Mut-orgs) sa paglaganap ng polusyon sa daigdig. Ipinakita rin ang unang pagkakataon na ang dating kalaban ay nakipag-kampihan sa mga Rangers upang harapin ang kaaway. Sa karagdagan, may isa rin espesyal na kabanata ang Power Rangers: Wild Force sa paggunita ng ika-sampung pagsasabuhay, ang kabanatang Forever Red, na kung saan ay nakipag-kampihan si Cole sa iba pang Red Rangers (Jason Lee Scott, Aurico, Tommy Oliver, Theodore J. Jarvis Johnson, Andros, Leo Corbett, Carter Grayson, Wesley Collins, at Eric Myers), upang matalo ang Machine Empire sa huling pagkakataon.

Mga Tauhan

baguhin

Tingnan din

baguhin
Hyakujuu Sentai Gaoranger
Sinundan:
Time Force
Power Rangers
2002
Susunod:
Ninja Storm